Lesson 4
Saliksikin ang mga Banal na Kasulatan at Isuot ang Baluti ng Diyos
Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 2
Ang pag-aaral at pagsasabuhay ng mga katotohanang matatagpuan sa salita ng Diyos ay mahalaga sa pagbabalik-loob at pagtulong sa mga tao na lumapit kay Jesucristo. Ang tamang paggamit ng teknolohiya ay magpapabuti sa ating pag-aaral at makatutulong sa atin na makahanap ng mga sagot sa ating mga tanong tungkol sa ebanghelyo. Ang pagsunod sa mga tuntunin ng ligtas na paggamit ng teknolohiya ay isang mahalagang paraan upang “isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos” (Efeso 6:11).
Magrebyu at Mag-follow Up
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na isipin ang kanilang mga pagsisikap kamakailan na ipamuhay ang kanilang natututuhan sa klaseng ito. Maaari mo silang anyayahan na ibahagi ang ilan sa kanilang mga pagsisikap sa isang kapartner o sa buong klase.
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral
Lider ng talakayan: Mapanalanging piliin ang opsiyon sa pag-aaral o mga opsiyon na higit na kapaki-pakinabang sa iyong klase. Siguraduhing maglaan ng maraming oras para sa pagsasanay at pagsasabuhay.
Opsiyon A: Paano ako magkakaroon ng mas makabuluhang karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Bigyan ang mga mag-aaral ng handout na pinamagatang “Pagsusuri sa Aking Personal na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan.” Bigyan sila ng oras para makumpleto ang handout nang mag-isa.
Pagsusuri sa Aking Personal na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
I-rate ang iyong karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pahayag sa scale na 1 (hindi kailanman) hanggang 5 (halos palagi).
-
Regular akong nagsisikap na pag-aralan ang mga banal na kasulatan.____
Kapag nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan:
-
Nagtutuon ako sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. ____
-
Naglalaan ako ng oras para pagnilayan ang binasa ko. ____
-
Humihingi ako ng patnubay at pang-unawa mula sa Espiritu Santo. ____
-
Naghahanap ako ng mga sagot sa mga tanong ko. ____
-
Sinisikap kong ipamuhay ang natututuhan ko. ____
Lider ng talakayan: Hikayatin ang mga miyembro ng klase na bigyang-pansin sa oras ng aktibidad sa pag-aaral ang mga espirituwal na impresyon na maaaring mayroon sila tungkol sa kung paano mapagbubuti ang kanilang karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin, at bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang matapos ang aktibidad:
Pumili ng isa o dalawang aspekto mula sa iyong self-assessment na nais mong pagsikapang maisagawa. Ang sumusunod na mga sanggunian na may mga numero ay tumutugma sa mga numero mula sa self-assessment. Dadalhin ka ng mga ito sa kaugnay na mga sanggunian sa kabanata 2 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.
-
1. Pag-aralan ang pambungad na bahagi ng “Saliksikin ang mga Banal na Kasulatan” (pahina 19–20).
-
2a. Pag-aralan ang pambungad na bahagi ng “Saliksikin ang mga Banal na Kasulatan” (pahina 19–20).
-
2b. Kumpletuhin ang aktibidad sa kahon na “Personal na Pag-aaral” sa pahina 20.
-
2c. Pag-aralan ang “Hangarin ang Espiritu” (pahina 21), at kumpletuhin ang aktibidad sa kahon na “Pag-aaral ng Banal na Kasulatan” sa pahina 20–21.
-
2d. Pag-aralan ang “Hanapin ang mga Sagot sa mga Tanong” (pahina 21).
-
2e. Pag-aralan ang “Ipamuhay ang Natututuhan Mo” (pahina 22), at kumpletuhin ang aktibidad sa kahon na “Personal na Pag-aaral” sa pahina 22.
Magsanay
Lider ng talakayan: Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ibahagi ang natutuhan nila sa aktibidad sa pag-aaral. Para magawa ito, maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong. Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na talakayin ang isa o mahigit pa sa mga ito sa kapartner o maliit na grupo.
-
Batay sa napag-aralan, paano mo mapagbubuti ang pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan?
-
Anong scripture passage o pahayag mula sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo ang nakita mong lubos na makatutulong? Bakit mo nadama na mahalaga ito?
-
Ano ang magandang karanasan mo sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
Lider ng talakayan: Isiping tapusin ang bahaging ito ng aktibidad sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa ng pahayag ni Elder D. Todd Christofferson sa ilalim ng “Saliksikin ang mga Banal na Kasulatan” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 20). Sabihin sa ilang mag-aaral na ibahagi kung paano napalakas ng kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ang kanilang pananampalataya at patotoo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Para sa karagdagang pagsasanay, maaari mong gamitin ang Pagsasanay ng Kasanayan 2: “Gamitin ang mga Banal na Kasulatan sa Iyong Pagtuturo.”
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila ngayon at magtakda ng mga mithiin. Ang isang paraan na magagawa mo ito ay sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na gumawa ng simpleng plano para mapagbuti ang kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Isiping idispley ang sumusunod para magabayan sila. Bigyan sila ng oras sa klase para maisulat ang kanilang mga plano.
Ang plano ko sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan
-
Kailan ako mag-aaral?
-
Gaano katagal ako mag-aaral?
-
Saan ako mag-aaral?
-
Ano ang pag-aaralan ko?
-
Ano ang dapat kong gawin para mas mapagbuti ko ang aking karanasan sa pag-aaral?
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay may grupo na pagbabahaginan ng kanilang mga mithiin, bigyan sila ng oras na ibahagi kung paano nila susuportahan o paaalalahanan ang isa’t isa bago ang susunod na klase.
Opsiyon B: Paano makatutulong sa akin ang paggamit ng Gospel Library para mahanap ko ang mga sagot sa mga tanong ko?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Isiping talakayin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase.
-
Ano ang ilang bagay na itinanong na sa inyo tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa Huling Araw?
-
Ano ang ilang karaniwang source na ginagamit ng mga tao para sagutin ang kanilang mga tanong tungkol sa Simbahan?
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na pag-isipang mabuti ang mga tanong na mayroon sila. Hikayatin silang tandaan ang mga tanong na ito sa aktibidad na ito sa pag-aaral. Ipaliwanag na magagabayan sila ng Espiritu Santo sa paghahanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong.
Basahin ang “Hanapin ang mga Sagot sa mga Tanong” sa kabanata 2 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 21). Maghanap ng payo na makatutulong sa atin kapag may mga tanong tayo tungkol sa ebanghelyo.
-
Ano ang pinakatumimo sa inyo?
-
Ano ang dapat na pangunahing mga source natin sa paghahanap ng mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo? Bakit?
Lider ng talakayan: Isiping anyayahan ang mga mag-aaral na magbahagi ng mga karanasan nang sagutin ng Ama sa Langit ang kanilang mga tanong sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan o iba pang mapagkakatiwalaang source. Maaari mo ring ipanood ang video na “Paano Ko Ginagawang Pakinggan Siya: Elder Ronald A. Rasband” (2:55; Gospel Library).
Magsanay
Lider ng talakayan: Para matulungan ang mga mag-aaral na magsanay na gamitin ang Gospel Library sa paghahanap ng mga sagot, ipakita ang mga sumusunod na sitwasyon at tagubilin. Ipaliwanag na ang layunin ng aktibidad na ito ay tuklasin ang mga sanggunian na makukuha sa Gospel Library, at hindi magkaroon ng mahabang talakayan tungkol sa mga paksang inilahad.
-
May isang taong nagtanong, “Naniniwala ba ang inyong simbahan na kailangan ng mga tao ng biyaya para maligtas?” Pumunta sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, at hanapin ang entry sa “Biyaya.” (Gospel Library > Mga Banal na Kasulatan > Mga Tulong sa Pag-aaral > Gabay sa mga Banal na Kasulatan > Biyaya)
-
Noong isang araw, may narinig kang nagsalita tungkol sa Ina sa Langit, at ngayon ay iniisip mo kung ano ang itinuturo ng Simbahan tungkol sa kanya. Pumunta sa Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan at hanapin ang entry na “Ina sa Langit.” (Gospel Library > Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan > Ina sa Langit)
-
Gusto mo ng tulong para mas maprotektahan ang iyong sarili laban sa pornograpiya. Pumunta sa Tulong sa Buhay. Tingnan kung ano ang matututuhan mo sa “Tulong para sa Akin” sa ilalim ng “Pornograpiya,” at pag-aralan ang mga tanong na inilahad. (Gospel Library > Tulong sa Buhay > Pornograpiya > Tulong para sa Akin)
-
Itinanong ng iyong kapatid na babae, “Paano ako maghahanda para tumanggap ng patriarchal blessing?” Gamit ang search function sa Gospel Library, tingnan kung ano ang makikita mo.
-
Gusto mo ng mga ideya kung paano mo maibabahagi ang ebanghelyo sa iba. Pumunta sa Gospel Library > Pagbabahagi ng Ebanghelyo at maghanap ng makatutulong na mga sanggunian.
Lider ng talakayan: Kung gusto ng mga miyembro ng klase ng mas maraming pagsasanay, maaari mong patingnan sa kanila ang mga tanong sa mga kahon na “Maaaring Iniisip ng mga Tao” sa unang bahagi ng mga lesson 1, 2, o 3 sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (mga pahina 36, 54, 72). Maaari silang pumili ng tanong at magsanay na maghanap ng mga sanggunian sa Gospel Library para masagot ito.
Matapos magsanay ang mga estudyante, isiping anyayahan sila na ibahagi ang natutuhan nila.
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila ngayon at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:
Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideyang tulad ng sumusunod, o mag-isip ng sarili mo.
-
Mag-ukol ng oras na saliksikin ang ilan sa mga entry sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan o Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library.
-
Anyayahan ang mga kaibigan at kapamilya na magtanong sa iyo para makapagsanay ka sa paghahanap ng mga sagot sa Gospel Library.
Ang aking mithiin
-
Ako ay … (ang gagawin mo).
-
Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay may grupo na pagbabahaginan ng kanilang mga mithiin, bigyan sila ng oras na ibahagi kung paano nila susuportahan o paaalalahanan ang isa’t isa bago ang susunod na klase.
Opsiyon C: Paano ko gagamitin nang tama ang teknolohiya?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Magpakita ng isang smartphone o ng larawan nito, at pagkatapos ay anyayahan ang mga miyembro ng klase na talakayin ang sumusunod na tanong:
-
Ano ang papel na ginagampanan ng mga electronic device tulad ng mga smartphone at computer sa pagsusulong ng gawain ng Panginoon?
Lider ng talakayan: Ipaliwanag na ang kabanata 2 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay naglalaman ng mga gabay tungkol sa paggamit ng teknolohiya nang tama. Maaari ninyong sabay-sabay na basahin ang “Gamitin nang Tama ang Teknolohiya” (pahina 22) para ituro ang paksang ito.
-
Ano ang ilang hamon o tuksong nauugnay sa paggamit ng teknolohiya?
-
Lider ng talakayan: Bilang bahagi ng inyong talakayan, isiping panoorin ang “Taking Charge of Technology: The Challenge” (3:18; Gospel Library).
-
Ipaliwanag na inilarawan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo ang apat na pag-iingat para sa paggamit ng teknolohiya. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na malaman ang tungkol sa mga pag-iingat o proteksyon na ito, ipakita ang mga sumusunod na tagubilin. Maaari mong atasan ang mga mag-aaral na pag-aralan ang bawat isa sa mga pag-iingat at maghandang iulat ang natutuhan nila sa maliliit na grupo. (Maaaring pag-aralan ng isang miyembro ng grupo ang pag-iingat o proteksyon 1–2 para magkakapareho ng haba ng babasahin ang magkakagrupo.)
Alamin ang tungkol sa apat na pag-iingat o proteksyon para sa paggamit ng teknolohiya nang tama sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga sumusunod na heading sa kabanata 2 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo:
Proteksyon 1: “Iayon ang Sarili sa mga Espirituwal na Pahiwatig” (pahina 23)
Proteksyon 2: “Magtuon sa Iyong Layunin Bilang Misyonero” (pahina 23)
Proteksyon 3: “Maging Disiplinado” (pahina 23)
Proteksyon 4: “Maging Isa” (pahina 24)
Maging handa na ibahagi ang mga sumusunod:
-
Maikling buod ng napag-aralan mo, kabilang na ang itinuturo ng iyong bahagi tungkol sa Panginoon
-
Mga ideya mo kung paano maiaangkop ang mga turong ito sa sinuman, hindi lamang sa mga full-time missionary
-
Ano ang nakatulong sa iyo na gamitin ang teknolohiya sa tamang paraan
Magsanay
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na magsalitan sa pagbabahagi sa kanilang grupo ng natutuhan nila sa aktibidad sa pag-aaral.
Para sa karagdagang pagsasanay, maaari mong gamitin ang Pagsasanay ng Kasanayan 9: “Gamitin nang Tama ang Teknolohiya.”
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila ngayon at magtakda ng mga mithiin. Ang isang paraan na magagawa mo ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng oras na gumawa ng isang personal na plano upang masunod ang mga pag-iingat sa paggamit ng teknolohiya na pinag-aralan nila sa kanilang personal na mga kalagayan. Kung kinakailangan, maaari mong ipamahagi ang handout na pinamagatang “Sundin ang mga Pag-iingat Kapag Gumagamit ng Teknolohiya” para matulungan sila na mag-isip ng mga ideya.
Sundin ang mga Pag-iingat sa Paggamit ng Teknolohiya
Isipin ang mga kasalukuyang hamon na kinakaharap mo na may kaugnayan sa paggamit ng teknolohiya. Isipin kung paano makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na pag-iingat o proteksyon mula sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo sa iyong mga kalagayan.
Proteksyon 1: Iayon ang Sarili sa mga Espirituwal na Pahiwatig
Ilang ideya:
-
Manalangin na magabayan sa paggamit ng teknolohiya nang tama.
-
Isulat sa iyong journal ang mga impresyon na natatanggap mo tungkol sa iyong mga digital device.
-
Unahin ang mga gawi na nag-aanyaya sa Espiritu, tulad ng pag-aaral ng banal na kasulatan, panalangin, at gawain sa templo.
Proteksyon 2: Magtuon sa Iyong Layunin
Ilang ideya:
-
Iwasan ang paggamit ng iyong device kapag wala kang partikular na layunin.
-
Bago gamitin ang teknolohiya, tanungin ang sarili kung ang paggamit nito ay mag-aanyaya o makahahadlang sa pagsama ng Espiritu Santo.
-
Kung gumagamit ka ng social media, i-follow lamang ang mga taong tumutulong sa iyo na manatiling malapit sa Panginoon.
Proteksyon 3: Maging Disiplinado
Ilang ideya:
-
Kapag kasama mo ang ibang tao, itabi ang iyong device at makipag-usap sa mga tao sa paligid mo.
-
Bigyan ang sarili mo ng limitasyon sa screen time araw-araw.
-
Magkaroon ng mga lugar kung saan hindi maaaring gumamit ng device, tulad ng iyong silid o banyo.
-
Kapag nadarama mong mahina ka at natutukso, i-off ang iyong device at umalis at maglakad-lakad.
Proteksyon 4: Maging Isa
Ilang ideya:
-
Humingi ng tulong sa mahal mo sa buhay kapag nanghihina ka o natutukso.
-
Ibahagi sa isang taong pinagkakatiwalaan mo ang iyong plano sa matwid na paggamit ng teknolohiya.
-
Isipin kung paano ka magiging mapagkakatiwalaang kaibigan sa iba.
Isulat ang plano mo sa ibaba.
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay may grupo na pagbabahaginan ng kanilang mga mithiin, bigyan sila ng oras na ibahagi kung paano nila susuportahan o paaalalahanan ang isa’t isa bago ang susunod na klase. Maaari mong ipanood ang video na “Texting Truth” (2:22; ChurchofJesusChrist.org) para matulungan ang mga miyembro ng klase na makakita ng halimbawa ng mga kabataan na gumagamit ng teknolohiya para tulungan at pasiglahin ang isa’t isa.
Sa Susunod
Lider ng talakayan: Kung handa ka nang ituro ang lesson 5 sa susunod, isiping anyayahan ang mga mag-aaral na basahin ang unang tatlong pahina ng “Pag-aralan at Ituro ang Ebanghelyo ni Jesucristo” mula sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 29–32) bilang paghahanda. Maaari ka ring magpadala sa kanila ng isang paalala.