Pagsasanay ng Kasanayan 3
Turuan ang mga Tao kung Paano Manalangin
Marami sa mga taong tinuturuan ng mga missionary ay wala gaanong karanasan sa panalangin. “Ang pag-anyaya sa mga tao na manalangin ay isa sa pinakamahahalagang paanyaya na maaari ninyong ibigay bilang missionary” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo [2023], 51).
Lider ng talakayan: Sikaping gawing maikli ang mga bahaging “Ipaliwanag” at “Ipakita” upang magkaroon ng maraming oras ang mga mag-aaral para magsanay.
Ipaliwanag
Lider ng talakayan: Ipakilala ang paksa para sa pagsasanay na ito ng kasanayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga sumusunod:
Nais ng ating mapagmahal na Ama sa Langit na makipag-ugnayan sa Kanya ang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng panalangin. Madalas na magturo ang mga missionary sa mga taong may kakaunti o walang karanasan sa panalangin.
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na hanapin ang “Lesson 4—Pagiging mga Disipulo ni Jesucristo Habambuhay” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Tulungan silang mahanap ang heading na “Manalangin nang Madalas” sa pahina 90. Pagkatapos ay ibahagi ang mga sumusunod na tagubilin:
Basahin ang bahaging pinamagatang “Manalangin nang Madalas” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 90). Maghanap ng mga tuntunin na makatutulong sa iyo na maituro sa ibang tao ang kahalagahan ng pananalangin at kung paano manalangin.
-
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kahalagahan ng panalagin?
-
Ano ang natutuhan mo na makatutulong sa ibang tao para matuto silang manalangin?
Lider ng talakayan: Isiping idispley ang sumusunod na mga tuntunin mula sa bahaging ito para makasangguni rito ang mga mag-aaral habang ginagawa nila ang aktibidad sa pagsasanay:
-
Magsimula sa pagtawag sa Ama sa Langit.
-
Ipahayag ang mga nilalaman ng ating mga puso, tulad ng pasasalamat para sa mga pagpapalang natanggap natin.
-
Magtanong, humingi ng patnubay, at humiling ng mga pagpapala.
-
Magtapos sa pagsasabi ng, “Sa pangalan ni Jesucristo, amen.”
Ipakita
Lider ng talakayan: Ipakita kung paano turuan ang isang tao tungkol sa panalangin. Bilang bahagi ng iyong pagpapakita, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang panalangin at kung paano manalangin.
Maaari mo ring gamitin ang video na “Teaching about the Holy Ghost and Prayer: John” (ChurchofJesusChrist.org; panoorin mula time code 2:46 hanggang 5:00).
Magsanay
Lider ng talakayan: Bigyan ng kapartner ang bawat miyembro ng klase at ibahagi ang mga sumusunod na tagubilin:
Kasama ang iyong kapartner, magsalitan sa pagtuturo sa isa’t isa tungkol sa panalangin (sumangguni sa mga tuntunin mula sa pahina 90–91 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo kung kailangan). Tiyaking ipaliwanag kung bakit tayo nananalangin at kung paano manalangin. Maaari ka ring magpatotoo na dinidinig at sinasagot ng Diyos ang mga panalangin.
Ipamuhay
Lider ng talakayan: Magbigay ng paanyaya na tulad ng sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na magamit ang kasanayang ito:
Sa susunod na linggo, maghanap ng isang pagkakataong mapraktis ang pagtuturo sa isang tao kung paano manalangin. Maaari mo itong gawin kasama ang isang kapamilya o kaibigan na marunong nang manalangin, o kung may kakilala ka na hindi pamilyar sa panalangin, maaari mo siyang turuan. Isipin din kung paano mo pa mapagbubuti ang iyong mga personal na panalangin.