“Ang Pagpapanumbalik ng Sakramento,” Liahona, Mar. 2025.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ang Pagpapanumbalik ng Sakramento
Nang itatag ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1830, ipinanumbalik ng Panginoon ang sagradong ordenansa ng sakramento. Iniutos Niya sa Kanyang mga tao na “magtipon nang madalas upang makakain ng tinapay at makainom ng alak sa pag-alaala sa Panginoong Jesus” (Doktrina at mga Tipan 20:75).
Ipinapakita ng timeline na ito kung paano nasimulan ang sakramento sa iba’t ibang panahon. Bagama’t nagbabago ang mga tao at lugar, sa bawat panahon nakatutulong ang sakramento sa mga disipulo ni Jesucristo na lagi Siyang alalahanin at mapasakanila ang Kanyang Espiritu.
|
Bagong Tipan |
Aklat ni Mormon |
Doktrina at mga Tipan |
Panahon natin |
Kapag muling pumarito ni Jesucristo | |
|
Sino |
Si Jesucristo at ang mga Nephita |
Si Joseph Smith at ang unang mga miyembro ng ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo |
Mga Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo |
Si Jesucristo at “silang lahat na ibinigay sa [Kanya] ng [Kanyang] Ama mula sa sanlibutan” (Doktrina at mga Tipan 27:14) | |
|
Ano |
Tinapay at alak bilang pag-alaala sa katawan at dugo ni Jesus (tingnan sa Mateo 26:26–28; Marcos 14:22–24; Lucas 22:17–20) |
Tinapay at alak bilang pag-alaala sa katawan at dugo ni Jesus (tingnan sa 3 Nephi 18) |
Tinapay at alak, na binasbasan ng partikular na mga panalangin na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79 |
Karaniwa’y tinapay at tubig, na binasbasan sa mga partikular na panalangin na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79 |
Isang pagtitipon na pinamumunuan ni Jesucristo, kung saan Siya ay “iinom ng bunga ng puno ng ubas na kasama [tayo] sa mundo” (Doktrina at mga Tipan 27:5) |
|
Kailan |
Nagsimula noong mga AD 33, ang gabi bago ang Pagpapako kay Jesucristo sa Krus |
Nagsimula noong mga AD 33, pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo |
Nagsimula nang itatag ang Simbahan noong Abril 6, 1830 |
Bawat linggo sa mga sacrament meeting |
Kapag muling paparito si Jesucristo sa lupa |
|
Saan |
Sa “isang malaking silid sa itaas” ng isang bahay sa Jerusalem (Marcos 14:15) |
Sa “lupaing Masagana [Bountiful]” (3 Nephi 11:1) |
Sa tahanan ng mga Whitmer sa Fayette, New York, USA |
Sa mga meetinghouse sa buong mundo |
“Sa mundo” (Doktrina at mga Tipan 27:5) |
|
Bakit |
Para bigyan ng oportunidad ang mga tao na alalahanin si Jesucristo at “[panibaguhin] ang kanilang tipan na tataglayin sa kanilang sarili ang pangalan ng Tagapagligtas, lagi Siyang aalalahanin, at susundin ang Kanyang mga kautusan.” | ||||
Pagnilayan
Paano pinatitibay ng kaalaman ninyo tungkol sa layunin ng sakramento ang inyong kaugnayan kay Jesucristo?