“Pagtupad sa Ating mga Tipan,” Liahona, Mar. 2025.
Paggamit ng mga Magasin ng Simbahan
Pagtupad sa Ating mga Tipan
Ang mga artikulo sa mga magasin ng Simbahan sa buwang ito ay maaaring makatulong sa inyo kapag hinangad ninyong “tuparin ang mga tipan” na ginawa ninyo (Doktrina at mga Tipan 25:13).
Mga Aral sa Artikulong Ito
Dinggin ang Tinig ng Langit
Sa pahina 2, ipinaalala sa atin ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang ingay ng mundo ay maaaring makagambala sa atin mula sa tinig ng Espiritu. May mga panggagambala ba sa buhay ninyo na nagpapahirap na kumonekta sa Diyos? Maaari kayong gumawa ng isang mithiin sa buwang ito na bawasan ang mga panggagambalang ito, tulad ng paggugol ng mas maraming oras sa pagsamba sa templo o hindi paggamit ng social media.
Tulungan ang Iba na Matanggap ang mga Pagpapala ng Diyos
Ang artikulo sa pahina 18 ay tumatalakay sa kung paano maaaring makasumpong ng kagalakan at pagiging kabilang sa templo ng Panginoon ang mga miyembro ng Simbahan, may-asawa man sila o wala. Ano ang magagawa ninyo para matulungan ang inyong mga kapwa Banal na maunawaan at matanggap ang mga pagpapalang nais ibigay ng Ama sa Langit sa lahat ng Kanyang mga anak na tumutupad ng mga tipan sa Kanya?
Tanggapin at Kilalanin ang Paghahayag
Basahin ang artikulo sa pahina 44 ni Elder Christophe G. Giraud-Carrier ng Pitumpu para makahanap ng limang ideya para matanggap at makilala ang paghahayag. Saang mga aspeto ng buhay ninyo kailangan ang patnubay ng Diyos? Isiping ipamuhay ang mga alituntuning itinuro ni Elder Giraud-Carrier kapag humingi kayo ng inspirasyon mula sa Diyos sa buwang ito.
Mula sa Magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan
Pagdaig sa mga Hadlang sa Panalangin
Maghanap ng mga simpleng ideya para madaig ang mga karaniwang hadlang sa panalangin.
Makinig sa Espiritu
Basahin ang mga tip na ito para matulungan ang mga kabataan na matuklasan kung paano nangungusap sa kanila ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ang Sikreto para Hindi na Kailanman Mabigong Muli
Tulungan ang mga kabataan na baguhin ang pananaw nila sa kabiguan at kalungkutan.
Mga Kabataang Fireknife Dancer
Masiyahan sa isang visual na kuwento ng mga kabataang fireknife dancer sa Hawaii, USA, at ang natutuhan nila tungkol sa ebanghelyo sa pamamagitan ng kanilang mga kakaibang talento.
Mula sa Magasing Kaibigan
Gamitin ang timeline sa bahaging Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa buwang ito para matulungan ang inyong mga anak na malaman kung paano nagsimula ang Aklat ni Mormon.
Dinggin ang Espiritu Santo
Magbasa ng mga kuwento at kumanta ng isang bagong awitin mula sa isyu sa buwang ito para tulungan ang inyong mga anak na matutuhan kung paano nangungusap sa atin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Mga Batang Malulusog at Masasaya
Sa bahaging Para sa Mas Nakatatandang mga Bata, maghanap ng resources tungkol sa emosyonal na kapakanan at kalusugan ng isipan.
Kilalanin ang kaibigan nating si Lauren at alamin kung paano niya sinusunod si Jesus. Pagkatapos ay basahin ang iba pa tungkol sa Madagascar at alamin ang tungkol sa Simbahan doon.