2025
Democratic Republic of the Congo
Marso 2025


“Democratic Republic of the Congo,” Liahona, Mar. 2025.

Narito ang Simbahan

Democratic Republic of the Congo

mapa ng mundo na binilugan ang paligid ng Democratic Republic of the Congo
tanawin sa Democratic Republic of the Congo, na may bulkan sa background

Ang mga unang convert sa Democratic Republic of the Congo ay bininyagan sa labas ng bansa bago bumalik sa kanilang bayan at ibahagi sa iba ang kanilang mga pinaniniwalaan. Nang dumating ang mga missionary sa DRC noong 1986, mayroon nang mga grupo ng mga convert na nagpupulong bawat linggo. Ang unang stake ay binuo noong 1996, at ang unang templo sa bansa ay inilaan noong 2019. Ngayon, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Democratic Republic of the Congo ay may:

  • 115,000 miyembro (humigit-kumulang)

  • 27 stake, 289 na ward at branch, 5 mission

  • 1 templo (Kinshasa) at 3 ibinalita (Lubumbashi, Kananga, at Mbuji-Mayi)

binatilyong nakangiti

Nagpapasalamat sa Plano ng Kaligtasan

Habang nagmimisyon si John Lwamba mula sa Lubumbashi, pumanaw ang kuya niya. Sabi niya, “Medyo nahirapan akong tanggapin kasi siya ang unang tao sa pamilya ko na pumanaw. Sa tulong ng mission president ko at ng mga banal na kasulatan, nagawa kong tanggapin iyon, at mula sa araw na iyon, napalapit ako sa Tagapagligtas dahil sa karanasang ito. Alam ko na dahil Siya ay nagbangon, lahat ng miyembro ng aking pamilya na pumanaw na ay muling magbabangon.”