Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ano ang alam natin tungkol kay Rebecca, na asawa ni Isaac?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Marso 2026


Tuwirang Sagot

Ano ang alam natin tungkol kay Rebecca, na asawa ni Isaac?

Si Rebecca sa tabi ng balon

Si Rebecca sa Tabi ng Balon, ni Michael Deas

Narito ang ilang bagay na alam natin tungkol kay Rebecca:

Siya ay dalaga at maganda. Tingnan sa Genesis 24:16.

Siya ay mabait at masigasig. Naglakbay nang malayo ang alipin ni Abraham para hanapan ang anak ni Abraham na si Isaac ng babaeng pakakasalan sa loob ng tipan. Tumigil siya sa isang balon at ipinagdasal niya na ang babaeng sasalok ng tubig para sa kanya at sa kanyang 10 kamelyo ang siyang naitalaga ng Diyos na magpakasal kay Isaac. Si Rebecca ang gumawa nito. (Tingnan sa Genesis 24:1–28.)

Malaki ang kanyang pananalig. Nang tanungin siya kinabukasan kung sasama siya sa alipin ni Abraham pabalik, sinabi ni Rebecca na sasama siya. Nanalig siya sa Panginoon, na gumabay sa alipin [ni Abraham]. (Tingnan sa Genesis 24:50–58.) Gayundin, sa mahigit 20 taon na wala siyang anak, nanatili siyang umaasa sa kanyang mga tipan (tingnan sa Genesis 25:20, 26).

Tumanggap siya ng paghahayag para sa kanyang pamilya. Nang magbuntis ng kambal si Rebecca, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata” (Genesis 25:23). Kalaunan ay nakita niya kung paano tinanggihan ni Esau, na nakatatanda sa kambal, ang payo ng Panginoon at hindi nito iginalang ang kanyang pagkapanganay at kung paano naging tapat si Jacob, na nakababata sa kambal. Tinulungan niya si Jacob na matanggap ang basbas ng pagkapanganay at binalaan ito na nais siyang patayin ng kanyang kapatid. (Tingnan sa Genesis 27.)