Para sa Lakas ng mga Kabataan
Paano ako mas makapagtutuon sa Tagapagligtas sa Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Marso 2026


Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ako mas makapagtutuon sa Tagapagligtas sa Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay?”

binatilyo

“Sinisikap kong magtuon sa Tagapagligtas sa pakikinig sa nakasisiglang musika, lalo pang pag-iisip tungkol sa Kanya, pag-asa sa Kanya sa buhay ko araw-araw, at pagdarasal nang husto. Gustung-gusto ko ring basahin ang mga banal na kasulatan, para matuto tungkol sa Kanyang Pagkabuhay na Muli at sa pag-asang hatid nito sa akin.”

Maxwell R., 16, Missouri, USA

dalagita

“Maghanap ng mga talata sa banal na kasulatan na mababasa nang sama-sama bilang pamilya bawat araw o linggo para maalala ninyo ang mahalagang panahong ito sa buhay ng Tagapagligtas. Maghanap ng mga oportunidad bawat araw na maglingkod sa iba sa mga paraang tulad ng kay Cristo.”

Ahonima A., 15, Tongatapu, Tonga

binatilyo

“Maaari akong mas magtuon kay Cristo sa pagbabahagi ng isang bagay tungkol sa Kanya online araw-araw.”

Caleb F., 17, Arizona, USA

dalagita

“Basahin ang mga banal na kasulatan na naglalarawan sa Kanyang buhay, lalo na sa huling linggo bago ang Pagpapako sa Kanya sa Krus. Ang paborito kong salaysay ay ang Mateo 21–27. Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ay nagpapadama sa akin na mas malapit ako sa aking Tagapagligtas at mas nauunawaan ko ang Kanyang Pagbabayad-sala.”

Grace M., 15, Alberta, Canada

dalagita

“Ang Pasko ng Pagkabuhay at ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay nagpapaalala sa akin ng mga bagong simula at pagbabagumbuhay. Ang pag-update ng mga gawain ko sa araw-araw at muling pagsusuri sa mga mithiin ko ay nagbibigay sa akin ng pagkakataon na muling ituon ang buhay ko kay Cristo at mas sadya Siyang alalahanin sa espesyal na panahong ito ng taon.”

Lilly H., 17, California, USA