Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Para sa Lakas ng mga Kabataan Marso 2026


Kumonekta

Fabio P.

16 Salzburg, Austria

binatilyo

Larawang kuha ni Ashlee Larsen

Sa Pasko ng Pagkabuhay, karaniwa’y nagsasama-sama kaming buong pamilya, mga 30 hanggang 40 katao. Noong mas bata pa ako, inaasam ko ang basket na may laman na mga itlog at tsokolate. At talagang masaya iyon. Pero ngayon, mas nakapokus ako sa kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay.

Sa simbahan, pinag-uusapan namin nang husto ang Pasko ng Pagkabuhay. At sa pag-aaral ko ng mga banal na kasulatan, mas nagpopokus ako sa nangyari noong Pasko ng Pagkabuhay. Iniisip ko si Jesucristo at ang ginawa Niya para sa atin, at pakiramdam ko ay mas konektado ako sa Kanya.

Ang paborito kong talata sa banal na kasulatan ay ang 3 Nephi 15:9. Sabi dito, “Masdan, ako ang batas, at ang ilaw. Tumingin kayo sa akin, at magtiis hanggang wakas, at kayo ay mabubuhay; sapagkat siya na makapagtitiis hanggang wakas ay bibigyan ko ng buhay na walang-hanggan.”

Kung patuloy kong sisikapin na piliin ang tama sa aking buhay, tulad ng ginagawa ko ngayon, maaari akong makabalik sa Kanya at magkaroon ng buhay na walang-hanggan.