Mga Tinig ng mga Kabataan
Maaari Kong Anyayahan ang Lahat
Paglalarawan ni Katelyn Budge
Kinakabahan akong magbahagi ng ebanghelyo sa mga kaibigan pero masaya rin ako at natutuwa. Taun-taon, nagsasagawa kami ng Easter egg hunt sa bahay namin. Inaanyayahan namin ang mga missionary at ang mga kaibigan naming hindi miyembro ng Simbahan.
Madalas ko ring anyayahan ang mga kaibigan ko na magsimba o magpunta sa mga aktibidad ng mga kabataan. Isang kaibigan lang ang nakapunta sa isang aktibidad, at walang nakakasimba—wala pa. Pero patuloy ko silang inaanyayahan para mas mapalapit sila sa Diyos at makapiling nila Siyang muli. Masaya ako sa paglilingkod sa iba sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na lumapit kay Cristo.
Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at Manunubos, ang Kordero ng Diyos, at ang Mabuting Pastol. Alam ko na muli nating makakapiling ang Diyos kung susundin natin Siya.
Akoni C., edad 13, Hawaii, USA
Mahilig maglaro ng sports, tumakbo, at magtayo ng mga bagay-bagay.