Digital Lamang: Kumonekta
Jakob H.
18, Vienna, Austria
Namatay ang lolo ko noong matanggap ko ang Melchizedek Priesthood. Noon pa man ay naroon na ang lolo ko para sa akin, at noong araw na iyon, wala roon ang lolo ko sa bilog—sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, sa isang araw na espesyal para sa akin.
Pero sa oras ng ordenansa, talagang nadama ko ang Espiritu. Nakadama ako ng pagmamahal mula sa aking ama at sa iba pang mga tao roon, gayundin sa lolo ko. Nakadama ako ng pasasalamat sa kanilang mga patotoo. Talagang espesyal na araw iyon at emosyonal na sandali para sa akin.
Para magkaroon ng koneksyon sa pagitan ko at ng Espiritu Santo, kailangan kong hayaan Siyang pumasok. Ang isang bagay na sinisikap kong gawin ay basahin ang isang kabanata ng Aklat ni Mormon araw-araw.
May mga pagkakataon na mas nakapokus ako sa paaralan o sa trabaho kaysa sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan o pagpunta sa seminary. Talagang mahirap ang mga panahong iyon. Pero sa bawat pagkakataon, sinisimulan kong basahing muli ang mga banal na kasulatan. Sinabi ko sa sarili ko, “Dali na, kailangan mong magpatuloy.” Kailangan kong gawin, dahil kung hindi ako magbabasa ng mga banal na kasulatan, pakiramdam ko ay may kulang.
Sa Austria, ang mga bakasyon sa paaralan ay nagsisimula sa Hulyo hanggang sa unang linggo ng Setyembre, at sa panahong ito, walang seminary. Pero ipinaalala sa akin ng FSY na basahin ang mga banal na kasulatan. Maaari kang magbasa bawat araw, kahit isang talata o isang kabanata lang.
Basta maglaan ng oras para sa Diyos at kay Jesucristo. Malalaman mo ang tungkol sa Kanila sa mga banal na kasulatan. Kung nahihirapan ka sa pagbabasa, mag-ukol lang ng 10 minuto sa isang araw, kahit sa oras ng break sa paaralan o kung ano man, at pagpapalain ka.
Talagang binago ako ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan.