Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Aking Hosana
Para sa Lakas ng mga Kabataan Marso 2026


Ang Aking Hosana

May isang bagay sa buhay ng bawat isa sa atin na nagpapaluhod sa atin.

dalagita

Ang isa sa mga paborito kong kabanata sa Bagong Tipan ay nagkukuwento tungkol sa matagumpay na pagpasok ni Jesucristo sa Jerusalem. Sumigaw ang mga tao, “Hosana sa Anak ni David! Mapalad ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!” (Mateo 21:9). Tuwing mababasa ko ito, iniisip ko: Ano ang aking hosana?

Buong buhay na akong may pagkautal. Kung minsa’y labis ang lungkot at panghihina-ng-loob ko dahil hindi ko maipahayag ang sarili ko sa paraang gusto ko. Hiniling ko noon na makapagsalita ako nang maayos o kaya’y hindi na magsalitang muli kailanman. Lagi akong nag-aalala kapag nagsasalita ako sa harap ng iba o kahit kapag nagdarasal ako nang malakas. Maraming beses na akong tahimik na nagsumamo na magkaroon ng tiyaga, kapayapaan, at tulong. Isa ito sa aking mga personal na hosana—ang pagsamo ko para sa kaligtasan.

Tulad noong hindi binalewala ni Cristo ang mga pagsamo ng mga tao sa Jerusalem, hindi Niya ako binalewala kailanman. Hindi pa Niya inaalis ang pagkautal ko, pero pinalakas Niya ako sa mga paraang hindi ko inasahan. Tinulungan Niya akong makadama ng kapayapaan sa mga sandali ng pagkabalisa at matanto na ang boses ko, kahit may depekto, ay sapat para sa Kanya.

May isang bagay sa buhay ng bawat isa sa atin na nagpapaluhod sa atin. Kung minsan, maaari nating madama na hindi sinasagot ang ating mga pagtangis. Pero naririnig Niya ang bawat hosana. At sa Kanyang perpektong paraan at takdang panahon, tutulungan Niya tayo.

Sa Getsemani, nagdusa si Cristo para sa ating mga kasalanan at nadama ang ating mga pasakit at paghihirap. Patuloy Niyang ginagabayan at pinapanatag ang lahat ng bumabaling sa Kanya at sa Ama sa Langit. Ang Cristong iyon na nagdusa para sa atin sa Getsemani at sa krus ay nagbangon din mula sa libingan, dinaig ang kamatayan upang magkaroon tayo ng pag-asa. Ang Kanyang Pagkabuhay na Muli ang pangunahing sagot sa bawat hosana.

Ang awtor ay naninirahan sa California, USA.

Tala

  1. Ang ibig sabihin ng Hosana ay “mangyari pong iligtas kami” o “magligtas ngayon” sa Hebreo (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Hosana”; Bible Dictionary, “Hosanna”).