Mga Kuwento mula sa Lumang Tipan
Genesis 37–47
Ipinagbili sa Ehipto
Jose
Mga paglalarawan ni Katy Dockrill
Ang Kuwento Niya
Ang Balabal
Si Jose ang paboritong anak ng kanyang amang si Jacob. Iginawa siya ni Jacob ng espesyal na balabal. Nainggit ang mga kapatid ni Jose. (Hindi nakatulong na nagkaroon ng mga panaginip si Jose na binigyang-inspirasyon ng Diyos na mamumuno siya sa kanila balang-araw.)
Ang Pagkakanulo
Ibinenta ng kanyang mga kapatid si Jose sa mga taong papunta sa Ehipto at sinabi nila kay Jacob na namatay si Jose. Sa Ehipto, naging alipin si Jose at nabilanggo dahil sa isang krimen na hindi niya ginawa. Lagi siyang tapat sa Diyos, at kasama niya ang Panginoon at pinagpala siya.
Ang Taggutom
Kalaunan, binigyang-kahulugan ni Jose ang panaginip ng Faraon at pinayuhan ito na maghanda para sa paparating na taggutom. Ginawa ng Faraon si Jose na pinuno ng Ehipto. Hindi nagtagal, nagpunta ang mga kapatid ni Jose sa Ehipto para bumili ng butil. Hindi nila natanto na humihingi sila ng tulong mula sa kapatid na ipinagbili nila!
Ang Pagkaligtas
Kalaunan ay inihayag ni Jose ang kanyang sarili sa kanyang mga kapatid at inalok sila ng pagkain at kanlungan sa Ehipto. Pinatawad niya sila at iniligtas ang kanyang pamilya. Ang magkakapatid ding ito ang naging 12 Lipi ni Israel.
Ang Kuwento Mo
Tulad ni Jose, maaaring may mga araw na pakiramdam mo ay ipinagkanulo o nasaktan ka. Ang mga kilos ng ibang tao ay maaaring magkaroon ng malalaking bunga. Pero kapag tapat ka sa Diyos at sinisikap mong patawarin ang iba, palalakasin ka at pagpapalain.