Mga Tinig ng mga Kabataan
Pagdiriwang sa Tagapagligtas
Paglalarawan ni Katelyn Budge
Gustung-gusto ko ang Easter. Gustung-gusto kong magkasama-sama kaming magpapamilya para ipagdiwang ang pagbangon ni Jesucristo mula sa mga patay. Ang paggugol ng oras sa piling ng aking pamilya ay palaging isang bagay na talagang ikinasisiya ko, pero ang mas kamangha-mangha pa ay ang pag-iisip tungkol sa lahat ng bagay na ginawa ng Tagapagligtas para sa atin.
Kapag naghahanda kami para sa aming Easter egg hunt, naglalagay kami ng mga talata sa banal na kasulatan sa loob ng mga itlog. Binabasa namin ang mga talata kapag natagpuan namin ang mga ito habang hinahanap namin ang mga itlog. Minsan, gumawa kami ng isang maliit na nitso. Pagkatapos ay isinulat namin ang lahat ng problema namin, inilagay ang mga iyon sa loob ng nitso, at nilagyan ng bato ang harap nito. Kinabukasan, may nag-alis ng lahat ng papel—na nagpapaalala sa amin kung paano kami matutulungan ng Tagapagligtas sa aming mga problema.
Si Jesucristo ang aking perpektong Kaibigan sa Langit. Alam ko na anuman ang mangyari, lagi Niya akong mauunawaan.
Zoi S., 17, Bavaria, Germany
Mahilig sa pagsasayaw, tennis, at pagiging aktibo.