Kaibigan
Bininyagan si Jesus
Kaibigan ng Enero 2026


“Bininyagan si Jesus,” Kaibigan, Enero 2026, 6.

Bininyagan si Jesus

Maaari Din Akong Mabinyagan at Makumpirma!

Ang pagpapabinyag ang unang hakbang na ginagawa natin para mapabilang sa Simbahan ni Jesucristo! Magdrowing ng larawan ng araw ng iyong binyag, kahit nangyari na ito o kung inaasam mo ito.

Bakit mahalaga sa iyo ang binyag?

Bakit mahalaga ito kay Jesus?

Pagpuno sa Bautismuhan

Masusunod natin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag. Kapag tayo ay binibinyagan at kinukumpirma, may dalawang mahahalagang bagay na nangyayari: nakikipagtipan tayo sa Ama sa Langit, at tumatanggap tayo ng espesyal na kaloob! Gawin ang aktibidad sa ibaba para malaman ang iba pa. Magsimula sa ibaba ng bautismuhan at sagutin ang tanong. Pagkatapos ay kulayan ang tubig para sa level na iyon at lumipat sa susunod na level.

PDF na pahina na may pahinang kukulayan ng batang babae na bibinyagan

Mga larawang-guhit ni Kelly Smith