Kaibigan
“Malapit na Akong Maging Walong Taong Gulang”
Kaibigan ng Enero 2026


“‘Malapit na Akong Maging Walong Taong Gulang,’” Kaibigan, Enero 2026, 20–21.

“Malapit na Akong Maging Walong Taong Gulang”

Noong mga anim na taong gulang ang anak ko, sinubukan naming panoorin ang mga binyag ng ibang mga bata. Pagkatapos ng bawat binyag, kinausap namin siya tungkol sa nangyari. Tinulungan namin siyang maunawaan na kapag nasa edad na siya para mabinyagan, malalaman na niya ang tama sa mali. Pagkatapos ng bawat binyag, sinasabi niyang, “Malapit na akong maging walong taong gulang, at mabibinyagan na rin ako.”

Sa wakas ay naging walong taong gulang na ang anak ko. Nabinyagan siya at nakumpirma. Ngayon ay mayroon na siyang kaloob na Espiritu Santo. Sinabi namin sa kanya na ang isa sa pinakamaiinam na paraan para manatili ang Espiritu Santo sa kanya ay ang tumanggap ng sakramento.

Kapag tumatanggap kayo ng sakramento, nangangako kayo na palaging aalalahanin si Jesucristo. Tutulungan ka ng Espiritu Santo na gawin ang mga bagay na itinuro ni Jesus at ipapaalala sa iyo ang natututuhan mo tungkol sa Kanya sa tahanan at sa Primary. Ang Espiritu Santo ay nangungusap sa marahan at banayad na tinig at tutulungan kang maunawaan kung ano ang tama at mali.

Ngayon ay gustung-gusto ng anak ko ang sakramento! At magagawa mo rin ito. Kapag tumatanggap kayo ng sakramento bawat linggo at inaalala si Jesucristo, lalo ninyong madarama ang Espiritu Santo, at patuloy Niya kayong gagabayan. Lagi mong maaalala si Jesucristo.

Mga Hakbang sa Tipan

Kulayan ang bawat tagpo para masundan ang anak ni Elder Ojediran sa paghahanda nitong gumawa at tumupad ng kanyang tipan sa binyag.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Samantha Windley