“Pagkain & Katuwaan,” Kaibigan, Enero 2026, 12–13.
Pagkain &Katuwaan
Tumulong
Mahal na mahal kayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo! Gawin ang masayang kard na ito para sabihin sa isang tao na mahal mo rin siya.
-
Itupi sa gitna ang isang pirasong papel.
-
Ilagay ang iyong kalingkingan sa tupi at bakatin ang iyong kamay.
-
Gupitin ang paligid ng outline. Huwag gupitin ang tupi!
-
Buksan ang iyong kard at magsulat o magdrowing ng magandang mensahe sa loob para sa isang tao.
Oras para sa Meryenda
Maglagay ng mga topping na gusto mo sa isang tortilla. Maaari mong subukan ang peanut butter at jelly, pepperoni at keso, spinach at karne, o anumang gusto mo! Pagkatapos ay irolyo ang tortilla at maingat na hiwain sa mga piraso. Isilbi na nasa ibabaw ang bahaging nakikita ang mga palaman.
Matulunging mga Kamay
Noong nasa lupa si Jesucristo, minahal at pinaglingkuran Niya ang lahat. Matutularan natin ang Kanyang halimbawa ngayon. Paano mo napaglingkuran ang isang tao?
Kapag tinutulungan ko ang isang tao pakiramdam ko ay parang masaya talaga ang Ama sa Langit at ipinagmamalaki niya ito.
Felix G., edad 11, Kisumu County, Kenya
Tinulungan ko ang isang batang nasaktan sa palaruan. Masaya akong nakatulong ako.
Hazel L., edad 7, California, USA
Gawang-sining ni Anna Oldroyd