“Sa Aking Pagkabinyag,” Kaibigan, Enero 2026, 29.
Sa Aking Pagkabinyag
Sa Mapagnilay na Paraan
1. Hanap ko’y bahaghari tuwing umuulan,
At pinagninilayan ko mundong nalinisan.
Nais kong makatulad ng mundong naulanan,
At makasama ang Ama magpakailan pa man.
2. Nabinyagan si Cristo, at tutularan S’ya.
Ako’y mapapatawad ’pag bumaling sa Kanya.
Nais kong makatulad ng mundong naulanan,
At makasama ang Ama magpakailan pa man.