“Pagsunod kay Jesus sa Pilipinas,” Kaibigan, Enero 2026, 10–11.
Pagsunod kay Jesus sa Pilipinas
Kilalanin si Adam
Sinusunod ni Adam si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa iba. Minsan sa paaralan, walang pananghalian ang kanyang kaklase. Nagpasiya si Adam na ibahagi sa kanya ang kanyang tanghalian. Sabi niya, “Masaya ako dahil nakatulong ako sa isang tao, tulad ng ginawa ni Jesus.”
Sinusunod din ni Adam si Jesus sa pamamagitan ng pagdarasal. Kamakailan ay tumakbo siya bilang president ng kanyang student council sa paaralan. Nagdasal siya at hiniling sa Ama sa Langit na tulungan siyang maging masaya anuman ang maging resulta sa halalan. “Hindi ako nanalo, pero alam ko na may mas magagandang plano ang Panginoon para sa akin,” sabi ni Adam.
Tungkol kay Adam
Edad: 10
Mula sa: Rizal, Philippines
Mga wika: Tagalog, English
Mithiin: Maging isang surgeon para matulungan niya ang mga tao
Mga Libangan: Paggugol ng oras sa mga kaibigan at paglalaro ng badminton
Pamilya: Adam, Inay, Itay, dalawang ate, at dalawang kuya
Mga Paborito ni Adam
Kuwento sa Banal na Kasulatan: Noong nabuhay na muli si Jesucristo, dahil ibig sabihin nito ay maaari din tayong mabuhay na muli
Holiday: Pasko
Pagkain: Nilaga (sabaw na may baboy, petchay, at patatas)