Kaibigan
Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kaibigan ng Enero 2026


“Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo,” Kaibigan, Enero 2026, 14–15.

Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Mga bata sa Primary na may hawak na poster na may sining ng templo

Binisita ng mga batang Primary sa Taoyuan, Taiwan, ang Taipei Taiwan Temple. Nadama nila ang kasagraduhan at kagandahan ng templo. Gumawa rin sila ng mga collage ng templo.

Dalawang batang lalaking may maliit na toreng kahoy

“Haring Benjamin,” Levi at Jakob F., mga edad 7 at 10, North Rhine-Westphalia, Germany

Drowing ng isang gabara ng mga Jaredita

Eter 2:16–17,” Wesley S., edad 10, North Carolina, USA

Isang batang babaeng may hawak na pinagdugtung-dugtong na manikang papel na may isdang papel

“Fishers of Men [Mangingisda ng mga Tao],” Integrity W., edad 7, North Carolina, USA

Isang tagpo ng Unang Pangitain na nilikha gamit ang mga plastic figure

“Ang Unang Pangitain,” Charlotte R., edad 10, Georgia, USA

Batang lalaki at batang babae na may hawak na modelo ng templo na gawa sa mga marshmallow at malutong na rice cereal

Everett at Emersyn S., mga edad 7 at 9, Nebraska, USA

Batang babaeng nakangiti

Binigyan ko ng lemonada ang mga kapitbahay ko noong nagtatrabaho sila nang husto sa labas ng bahay. Maganda ang naging pakiramdam ko. Alam ko na nasa akin noon ang Espiritu Santo!

Rosalin W., edad 8, Missouri, USA

Batang lalaking nakangiti

Tinulungan ko ang mga bisita na isuot ang kanilang pantakip sa puting sapatos sa Okinawa Japan Temple open house. Nadama ko ang Banal na Espiritu nang pumasok ako sa templo sa open house.

Nico F., edad 9, Okinawa Prefecture, Japan

Batang babaeng nakangiti

Naglalaro kaming magkapatid noon sa palaruan at nalaman namin na nawalan ng pera ang isang batang lalaki. Gusto ko siyang tulungan, kaya ibinigay ko sa kanya ang ilan sa pera ko.

Nina M., edad 8, Kaliningrad Oblast, Russia

Batang babaeng nakangiti

Nagkaroon kami ng aktibidad sa ward kung saan nilagyan namin ng dekorasyon ang pabalat ng isang Aklat ni Mormon para ibigay sa isang espesyal na tao. Ibinigay ko ito sa kaibigan ko para marami pa siyang malaman tungkol kay Jesucristo. Pinasalamatan niya ako dahil dito at niyakap ako nang mahigpit. Masaya ako kapag naibabahagi ko ang ebanghelyo sa mga taong mahal ko.

Gabriela A., edad 6, Los Lagos Region, Chile

PDF ng pahina