“Ang Binyag ay Isang Masayang Kaloob,” Kaibigan, Enero 2026, 2–3.
Mula sa Primary Presidency
Ang Binyag ay Isang Masayang Kaloob
Minsan ay nakausap ko ang isang batang lalaki na kinakabahan sa pagpapabinyag. Nag-alala siya na siya ang mananagot sa lahat ng kanyang mga kasalanan.
Sinabi ko sa kanya na ang binyag ay isang masayang kaloob, at hindi siya kailangang matakot. Kapag nabinyagan ka na, mas matutulungan ka ng Ama sa Langit! Itinuro ni Pangulong Nelson na kapag kayo ay nabinyagan at gumawa ng tipan sa Diyos, hindi Siya kailanman susuko sa pagtulong sa inyo.* Inaanyayahan ka ng Ama sa Langit na tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo na gagabay sa iyo kapag nakumpirma ka. At kapag nakagawa ka ng maling pagpili, maaari kang magsisi at mapatawad dahil binayaran na ng Anak ng Ama sa Langit na si Jesucristo ang bayarin para sa iyong mga kasalanan.
Napakalaking pagpapala na inaanyayahan ka ng Ama sa Langit sa edad na walong taong gulang na makipagtipan sa Kanya upang lalo ka Niyang mapagpala! Napakalaking kagalakan ang naghihintay sa iyo sa paggawa mo ng hakbang na ito para sundin si Jesucristo.
Kapag Bininyagan Ako, Magagawa Kong …
Alalahanin ang aking mga pangako sa binyag kapag tumatanggap ako ng sakramento.
Makasama ang Espiritu Santo palagi.
Maging kabilang sa Simbahan ni Jesucristo.
Taglayin sa aking sarili ang pangalan ni Jesucristo at sundin Siya araw-araw.
Mga larawang-guhit ni Bryan Beach