“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Enero 2026, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
May mga pagbabago kaming ginawa sa taong ito! Ang bahaging Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay nasa likod na ngayon ng magasin. (Tingnan mo!) Wala na tayong hiwalay na bahaging “Para sa Mas Nakatatandang mga Bata” at “Para sa Maliliit na Kaibigan” pero naroon pa rin ang lahat ng masasayang pahina, na nakakalat lang sa buong magasin—para sa lahat.
At tulad ng dati, mayroon tayong mga craft, laro, musika, at kuwento ng mga bata sa tunay na buhay na tulad ninyo na sumusunod kay Jesucristo. Sa taong ito hinihiling din namin sa aming mga mambabasa na magpadala ng binakat na kamay at sabihin sa amin kung paano sila naglingkod. Pumunta sa pahina 13 para malaman ang iba pang impormasyon.
Masisiyahan tayo kapag sama-sama nating sinusunod si Jesus ngayong taon!
Ang Kaibigan