Kaibigan
Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan
Kaibigan ng Enero 2026


“Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan,” Kaibigan, Enero 2026, 41–44.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan

Mga paglalarawan ng mga kuwento mula sa Lumang Tipan, kabilang na ang arka ni Noe, ang Sampung Utos, at mga palaka mula sa 10 salot

Disyembre 29–Enero 4

Pambungad sa Lumang Tipan

Ang Lumang Tipan ay Nagtuturo Tungkol kay Jesucristo

Awitin: “Ang mga K’wento kay Jesus,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 36)

Banal na Kasulatan: Isaias 9:6

Aktibidad: Malalaman natin ang tungkol kay Jesucristo habang binabasa natin ang Lumang Tipan. Magpunta sa pahina 49 para sama-samang gawin ang aktibidad ng paghahanap sa banal na kasulatan. O pumili ng talata sa banal na kasulatan na sama-samang babasahin.

Enero 5–11

Moises 1; Abraham 3

Lahat ng mga Anak ng Diyos

Paglalarawan ng mga batang naglalakad sa ibabaw ng troso

Awitin: “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2)

Banal na Kasulatan: Moises 1:4

Aktibidad: Sinabi ng Diyos kay Moises, “Ikaw ay aking anak” (Moises 1:4). Tayong lahat ay mga anak ng Ama sa Langit! Isipin ang isang taong kailangang paalalahanan na siya ay anak ng Diyos. Kantahin o tugtugin para sa kanila ang awiting “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2).

Enero 12–18

Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5

Nilikha ni Jesucristo ang Mundo

Awitin: “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16–17)

Banal na Kasulatan: Moises 2:1

Aktibidad: Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesucristo ang mundo (tingnan sa Moises 2:1). Ano ang magagandang nilikha na ipinagpapasalamat mo? Gawin ang earth craft sa kasunod na pahina! Maaari mong bakatin ang mga karagdagang kopya para sa iyong pamilya. Gupitin ang mga ito at isabit ang mga ito sa isang lugar para maipaalala sa iyo na nilikha ng Diyos ang mundo para sa iyo dahil mahal Ka Niya.

Paglikha ng Mundo

Nilikha ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang langit at lupa at ang lahat ng narito. Gumamit ng mga krayola, finger paint, o pinunit na mga papel para kulayan ang lupa at mga dagat sa mundo.

Enero 19–25

Genesis 3–4; Moises 4–5

Paggawa ng Mabubuting Pagpili

Paglalarawan ng batang lalaking may gamit na lawn mower

Awitin: “Piliin ang Tamang Landas,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 82)

Banal na Kasulatan: Moises 4:3

Aktibidad: Binigyan tayo ng Diyos ng kaloob na kalayaang pumili (tingnan sa Moises 4:3). Ang kalayaan ay ang kapangyarihang pumili. Makagagawa ka ng mabubuting pasiya sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesucristo at paglilingkod sa iba. Paglingkuran ang isang tao kasama ang iyong pamilya. Pagkatapos ay bakatin ang kamay at gupitin ito, isulat ang ginawa mo, at ipadala ito sa Kaibigan! Alamin ang iba pa sa pahina 13.

Alt text

Mga larawang-guhit ni Audrey Day