Kaibigan
Ang Plano ng Kaligayahan at Ikaw!
Kaibigan ng Enero 2026


“Ang Plano ng Kaligayahan at Ikaw!” Kaibigan, Enero 2026, 24–25.

Ang Plano ng Kaligayahan at Ikaw!

Gumawa ng plano ang Ama sa Langit para sa lahat ng Kanyang mga anak na tinawag na plano ng kaligayahan. May bahagi ka sa planong iyan!

Ang Paglikha

Nilikha ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang langit at lupa at ang lahat ng bagay dito.

Ang Pagkahulog

Pinili nina Eva at Adan na kainin ang bunga ng punungkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama. Dahil dito, nawalay sila sa Diyos, nalaman nila ang tama sa mali, at maaari na silang magkaroon ng pamilya. Sila ang unang pamilya sa lupa.

Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Pumarito si Jesucristo sa lupa. Nadama Niya ang lahat ng ating pasakit at nagbayad para sa ating mga kasalanan. Siya ay namatay at nabuhay na muli. Dahil sa Kanya, maaari tayong magsisi at muling makapiling ang ating mga pamilya at ang Ama sa Langit balang-araw.

Buhay sa Lupa

Lahat tayo ay isinilang para makatanggap ng katawan, matuto, at umunlad. Masusunod natin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at paglilingkod sa iba.

Kaya mo bang hanapin ang mga bagay na ito sa larawan?

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Maddie Baker