Kaibigan
Hello mula sa Pilipinas!
Kaibigan ng Enero 2026


“Hello mula sa Pilipinas!” Kaibigan, Enero 2026, 8–9.

Hello mula sa Pilipinas!

Ang Pilipinas ay isang grupo ng mga isla sa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Mahigit 100 milyong tao ang naninirahan doon! Ang mga opisyal na wika ay Filipino at Ingles.

Islang Bansa

May mahigit 7,640 mga isla sa Pilipinas. Ang mga tao ay naninirahan sa 2,000 sa mga pulo na iyon.

Pangtag-init na Tsokolate

Ang Chocolate Hills ay nasa isla ng Bohol. Sa panahon ng tag-init, ang mga burol na ito ay nagiging brown at mukhang malalaking tumpok ng tsokolate!

Isang Malaking Agila

Ang agila ng Pilipinas ang pambansang ibon at isa sa mga pinakamalalaking agila sa mundo.

Pangingisda Gamit ang Kawayan

Maraming mga tao ang nangingisda rito. Ang isang paraan ng paghuli nila ng isda ay ang paghampas sa tubig gamit ang mahabang kawayan. Nagugulat dito ang mga isda at napapapunta sa kanilang mga lambat.

Oras para Magdiwang!

Sa Pilipinas ipinagdiriwang namin ang Pasko sa loob ng apat na buwan, simula sa Setyembre. Nagsisimula kaming magpatugtog ng mga awitin sa Pasko at magdekorasyon hanggang sa matapos ang unang bahagi ng Enero.

PDF ng pahina

Mga paglalarawan ni Minna Miná