Kaibigan
Si Thomas na Tagatipon
Kaibigan ng Enero 2026


“Si Thomas na Tagatipon,” Kaibigan, Enero 2026, 17.

Si Thomas na Tagatipon

Paglalarawan ng batang lalaking kumakaway

Ako si Thomas, at ako ay tagatipon.

Ngayong taon sa Primary pinag-aaralan natin kung paano magtipon. Hiniling sa atin ng ating mga lider na tipunin ang ating pamilya para sa panalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Nais nilang magpraktis tayo na magtipon para malaman natin kung paano magtipon ngayon at kapag lumaki tayo—sa mga misyon, sa paaralan, o kahit nag-iisa tayo. Sa gayon ay lagi tayong espirituwal na matitipon kasama ang Ama sa Langit at si Jesucristo at makasusumpong ng kapayapaan sa Kanila.

Ang trabaho ko ay tipunin ang aking pamilya sa panalangin sa umaga. Itinatanong ko, “Maaari po ba ninyo akong samahan sa panalangin?” Tinitipon kami ng kapatid kong si Henry sa panalangin sa gabi at pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Isang Sabado ng umaga, maaga kaming umalis para maglaro ng basketball. Pagkatapos, may mga ginawa kami. Bigla kong naalala at sinabing, “Inay, nalimutan nating magtipon para manalangin.” Sinabi niya sa akin na maaari kaming magtipon kapag nakauwi na kami. Pero sabi ko, “Kailangan po nating magtipon at magdasal ngayon din!” Hiniling niyang ako ang magdasal, pero nakadilat pa rin ang mata niya dahil nagmamaneho siya.

Sinabi nina Inay at Itay kay Henry at sa akin kung gaano ang pasasalamat nila na tinitipon namin ang pamilya para manalangin at mag-aral ng mga banal na kasulatan. Sinasabi nila na malaki ang kaibhang nagagawa ng aming munting tinig sa aming tahanan. Sinasabi nila sa amin na dahil nagtitipon kami, pinagpapala ang aming pamilya.

Paglalarawan ng pamilyang nakaluhod sa panalangin
PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Augusto Zambonato