Kaibigan
Margo at Paulo
Kaibigan ng Enero 2026


“Margo at Paolo,” Kaibigan, Enero 2026, 26–27.

Margo & Paulo

Ang Pagpili na Maging Tagapamayapa

Bakit napakatahimik ninyong dalawa? Karaniwang kayo ang nagbibigay ng buhay at sigla!

Nag-away sila tungkol sa paglilinis ng kanilang silid.

Kanina …

Sige lang! Hahatiin ni Sara Slitherscales ang silid natin. Kung tatawid ka sa kanya, MANGANGAGAT siya!

Ayaw ko rin namang pumunta sa panig mo! Laging makalat!

Talaga bang hindi kayo magpapansinan buong magdamag?

Hindi ito mabait na paraan ng pakikitungo ng magkapatid sa isa’t isa.

Hindi ko na nga po gustong maging kapatid niya!

Hindi ko po sinasadya. Nagalit lang ako! Sana mabawi ko ang sinabi ko.

Hindi mo na mababawi ang mga salitang binigkas mo. Pero maaari mo pa ring sikaping gawing tama ang mga bagay-bagay.

Ibig n’yo pong sabihin puwede akong magsisi. Tama po ba?

Tama. Nagbayad-sala si Jesucristo para sa iyo para lagi kang makapagsisi at sumubok muli.

Alam ko na po ang dapat kong gawin. At sa palagay ko handa na ako ngayon.

Kalaunan …

Margo? Puwede ba akong pumasok?

Wow, ikaw ang gumawa ng lahat ng ito?

Sa tulong ni Mamãe. Pasensya na lagi akong nagkakalat. Nangangako ako na mas pagbubutihin ko na!

Sori sinigawan kita at nalungkot ka.

Pinatatawad na kita. Siguro hindi natin kailangan si Sara Slitherscales para hatiin ang kuwarto natin?

Natutuwa talaga ako na kapatid kita.

Ako rin.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Katie McDee