Kaibigan
Malakas-ang-Loob sa Primary
Kaibigan ng Enero 2026


“Malakas-ang-Loob sa Primary,” Kaibigan, Enero 2026, 30–31.

Malakas-ang-Loob sa Primary

Isang kuwento sa tunay na buhay mula sa Austria.

Malungkot na batang babae at ang kanyang ina na magkasamang nakatayo

Natatakot si Emily na mag-isang magpunta sa Primary. Hiniling niya kay Inay na samahan siya.

Nakangiti si Inay sa malungkot na batang babae

“Pumupunta ako sa klase ko at natututuhan ko kung paano ako matutulungan ni Jesus,” sabi ni Inay.

Itinuturo ni Inay ang larawan ni Jesucristo sa dingding

“At makakapunta ka sa Primary at malalaman mo kung paano ka matutulungan ni Jesus.”

Yakap ni Inay ang batang babae

Niyakap ni Inay si Emily. “Matutulungan tayo ni Jesus, kahit mahirap ito.”

Batang babaeng nakaupo sa Primary habang kumakaway si Inay sa pinto

Hinatid ni Inay si Emily sa Primary at kumaway para magpaalam.

Mga batang nakangiti at kumakanta

Natutuhan nila ang isang kanta tungkol kay Jesus. Gusto ni Emily ang musika. Nadarama niyang ligtas siya at masaya siya.

Batang babaeng nakangiti habang yakap ang kanyang stuffed toy

Wala si Inay sa Primary. Pero tinutulungan ni Jesus si Emily na maging malakasang-loob!

Alt text

Mga larawang-guhit ni Natalie Briscoe