“Eva at Adan,” Kaibigan, Enero 2026, 46–48.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Eva at Adan
Sina Adan at Eva ang una sa mga anak ng Ama sa Langit na nabuhay sa lupa. Tumira sila sa Halamanan ng Eden.
Hinayaan sila ng Diyos na kumain ng bunga ng bawat puno maliban sa isa. Kung kakainin nila ang bunga ng punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, kailangan nilang lisanin ang halamanan at mamamatay sila kalaunan. Pero nagsinungaling si Satanas sa kanila. Sinabi niya na kung kakainin nila ang bunga, malalaman nila ang mabuti at masama pero hindi sila mamamatay.
Pinili ni Eva na kainin ang bunga.
Pagkatapos ay binigyan niya si Adan ng bahagi ng bunga. Pinili rin ni Adan na kainin iyon.
Dinalaw sila ng Diyos at ni Jesucristo, pero natakot sina Eva at Adan at nagtago. Itinanong ng Diyos kung nakakain sila ng bunga mula sa punungkahoy.
Sinabi nina Eva at Adan na kinain nila ang bunga. Ngayon ay kailangan na nilang umalis sa Halamanan ng Eden. Pero may plano ang Diyos para sa kanila. Ngayon ay alam na nila ang tama sa mali at sila ay maaari nang magkaroon ng mga anak.
Nangako sina Eva at Adan na susundin ang lahat ng mga utos ng Diyos. Marami pa silang natutuhan tungkol sa Anak ng Diyos na si Jesucristo. Masaya sila dahil tutulungan Niya ang kanilang pamilya na makabalik sa Diyos.