“Margo at Paolo,” Kaibigan, Mayo 2025, 33.
Margo at Paolo
Ang Marahan at Banayad na Tinig
Ah, nariyan pala kayong dalawa sa inyong tahimik na lugar. Ano’ng pinag-iisipan ninyo ngayon?
Ang Espiritu Santo.
Sabi ng mga tao kinakausap Niya sila sa mahinang tinig. Pero hindi ko pa Siya narinig kahit kailan! Kayo po?
Hindi ng tainga ko. Pero naririnig ko Siya sa puso ko.
Ano po ang ibig n’yong sabihin?
Aba, karaniwa’y nangungusap sa atin ang Espiritu Santo sa ating mga iniisip at nadarama.
Nang madama ko na hindi ako dapat pumunta sa jiu jitsu sa araw ng Linggo, Espiritu Santo po ba iyon?
Palagay ko! Tinutulungan tayo ng Espiritu Santo na gumawa ng mga tamang pasiya at makadama ng kapayapaan.
Siguro nga kinakausap Niya ako! Kailangan ko lang makinig.
Mga larawang-guhit ni Katie McDee