“Pagsunod kay Jesus sa Malaysia,” Kaibigan, Mayo 2025, 14–15.
Pagsunod kay Jesus sa Malaysia
Kilalanin si Luke
Sumusunod si Luke kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagdarasal at pag-aliw sa iba. Gustung-gusto niyang magdasal na kasama ang kanyang pamilya. Minsan, nahihirapan siya sa kanyang Chinese spelling test. Nang nagpraktis siya at nagdasal para humingi ng tulong, natapos niya iyon.
Gustung-gusto rin niyang dumalo sa Primary at matuto tungkol sa itinuro ni Jesucristo. Sabi niya, “Sumasaya ako sa pagsunod kay Jesus.” Gusto niyang maglingkod sa nanay niya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing-bahay at pag-aalaga sa nakababata niyang kapatid na lalaki kapag naglalaro sila sa labas. Sabi niya, “Kapag tumutulong ako sa iba, sumisigla ang puso ko.”
Tungkol kay Luke
Edad: 7
Mula sa: Kuala Lumpur, Malaysia
Mga Wika: English, Chinese, at Malay
Mga Mithiin: 1) Makapag-aral. 2) Makapiling ang kanyang pamilya magpakailanman.
Mga Libangan: Pagtuturo at pagtulong sa iba, pagsakay sa scooter, at pagbabasa
Pamilya: Inay, Itay, isang nakababatang kapatid na lalaki, at isang nakababatang kapatid na babae
Mga Paborito Niya
Kuwento sa Banal na Kasulatan: Nang isilang si Jesus sa isang kuwadra (tingnan sa Lucas 2:7)
Prutas at gulay: mga Mandarin orange at carrot
Pagkain: Nasi lemak (kanin na may gata ng niyog)
Holiday: Pasko
Kulay: Pula
Awitin sa Primary: “Awit ng Kapanganakan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 32)