2025
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Mayo 2025


“Para sa Mas Nakatatandang mga Bata,” Kaibigan, Mayo 2025, 34–35.

Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Mga Salita mula sa Inyo

Karaniwa’y medyo takot ako kapag matutulog na ako. Kapag nagdarasal ako, nadarama ko ang kapayapaan at mas mabilis akong nakakatulog.

Vance R., edad 9, Utah, USA

Nawala ko ang aking schoolbook at nagdasal ako sa Ama sa Langit na tulungan ako. Natagpuan ko itong nakatago sa ilalim ng mga damit ko sa harapan ko mismo. Ipinaunawa nito sa akin kung gaano kahalaga ang panalangin.

Minh P., edad 11, Hanoi Province, Vietnam

Ang Mabuting Pastol

Alamin kung paano magdrowing ng isang pastol at kanyang tupa. Paano tayo tinutulungan ni Jesucristo kapag nadarama natin na para tayong tupang naligaw?

Pagtayo sa mga Banal na Lugar

Gusto ni Jesucristo na tayo ay “[tumayo] sa mga banal na lugar” (Doktrina at mga Tipan 45:32). Maaari nating madama ang Espiritu sa mga banal na lugar. Sundan ang landas ng bawat bata para makita kung saang banal na lugar sila papunta.

Maliliit na Ilaw

Itinuro ni Joseph Smith, “Yaong sa Diyos ay liwanag” (Doktrina at mga Tipan 50:24). Bilugan ang item sa bawat hanay na hindi kabilang!

PDF ng pahina na may mga aktibidad at sipi para sa mga batang edad 9 hanggang 12

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill