“Ang Iyong Katawan ay Isang Kaloob!” Kaibigan, Mayo 2025, 38–39.
Ang Iyong Katawan ay Isang Kaloob!
Ang mga pisikal na katawan ay may iba’t ibang laki, hugis, kakayahan, at kulay. Bawat katawan ay isang kamangha-manghang kaloob mula sa Diyos at mahalagang bahagi ng Kanyang plano!
Lahat ng katawan ay nararapat na igalang. Magsalita nang maganda tungkol sa sariling katawan ninyo at ng iba. Maaaring may masabi ang mga tao na hindi magagandang bagay tungkol sa iyo, pero hindi mo kailangang maniwala sa kanila o magtuon sa sinasabi nila.
Ang iyong pisikal na katawan ay templo para sa iyong espiritu. Mahalaga ang ipinapasok mo sa iyong katawan at iyong utak! Maaari nating pangalagaan ang ating katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain, pag-eehersisyo, at sapat na tulog.
Mapangangalagaan natin ang ating espiritu sa pamamagitan ng pakikinig sa Espiritu Santo, pagdarasal, at pagpili ng tama.
Karamihan sa mga tao ay may mahigit 200 buto. Ang iyong mga buto ay sumusuporta at nagpoprotekta sa iyong katawan. Ang iyong mga kalamnan ay tumutulong sa iyo na gumalaw, lumakad, at tumakbo.
Ang mga balbula sa iyong puso ay bumubuka at sumasara nang mahigit 100,000 beses sa isang araw. Tumutulong itong magbomba ng dugo sa iyong buong katawan.
Nagtatrabaho nang husto ang iyong utak para maunawaan ang lahat ng iyong nakikita, naririnig, at nadarama. Mas malakas at mas mabilis ito kaysa anumang computer.
Habang tumatanda ka, lalaki ang katawan mo. Dinisenyo ng Ama sa Langit ang iyong katawan para patuloy na magbago habambuhay!
Ang ginagawa mo sa iyong katawan ay mas mahalaga kaysa sa hitsura nito. Ginagamit mo ba ito para tratuhin nang maganda ang iba at ang sarili mo at sundin si Jesucristo?
Huwag ikumpara ang katawan mo sa katawan ng iba. Tandaan, ang iyong katawan ay isang kaloob mula sa Ama sa Langit!
Mga larawang-guhit ni Jeff Harvey