“Sundin ang Masasayang Salita,” Kaibigan, Mayo 2025, 44–45.
Madaling Basahin
Sundin ang Masasayang Salita
Isang tunay na kuwento mula sa USA.
“Puwede ba tayong magdrowing gamit ang chalk?” tanong ni Quinn kay Inay.
“Oo naman!” sabi ni Inay. “Tara.”
Tumakbo palabas si Quinn at ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki at babae.
“Gusto ko ng blue!” sigaw ni Quinn.
Kumuha rin ng chalk sina Kade at Chloe. Umupo sila at nagsimulang magdrowing sa bangketa. Dumampot ng pulang chalk si Inay at nagsimulang magsulat.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Quinn.
“Nagsusulat ako ng masasayang salita para sa mga batang mag-aaral kapag naglakad sila pauwi ngayon,” sabi ni Inay.
Nakita ni Quinn ang paaralan mula sa kanyang bintana sa harapan. Mahilig siyang kumaway sa mga bata habang dumaraan sila.
“Anong mga mensahe ang maisusulat natin para pangitiin sila?” tanong ni Inay.
Binasa ni Quinn ang isinusulat ni Inay. “Ang …”
“Galing Mo!” Tapos na si Inay.
Ngumiti si Quinn at patuloy na nagbasa. “Ang galing mo. Kaya mo iyan!”
Pagkatapos ay nagkaroon ng ideya si Quinn. Nagsimula siyang magdrowing ng mahabang linya sa isa sa mga mensahe ni Inay. Nagdrowing siya ng isang linya sa sumunod. Pagkatapos ay lumipat siya sa isa pa.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Inay.
“Gumagawa po ako ng isang linya para lakaran ng mga bata,” sabi ni Quinn. Nagsimula siyang tumakbo sa linya. “Kita n’yo? Ipinapakita ko sa kanila kung saan makikita ang lahat ng masasayang salita.”
“Palagay ko magandang paraan iyan para pangitiin ang lahat,” sabi ni Inay. At dahil doon ay lalo pang lumaki ang ngiti ni Quinn.
Mga larawang-guhit ni Asya Aizenstein