2025
Turuan Ako tungkol sa Espiritu Santo
Mayo 2025


“Turuan Ako tungkol sa Espiritu Santo,” Kaibigan, Mayo 2025, 46–47.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Turuan Ako tungkol sa Espiritu Santo

Ang Espiritu Santo ay isang espiritu. Ibig sabihin, wala Siyang pisikal na katawan. Tinutulungan Niya tayong malaman ang nais sabihin sa atin ng Ama sa Langit.

Maaari tayong panatagin ng Espiritu Santo kapag natatakot tayo o nalulungkot. Nangungusap Siya sa atin sa tahimik na mga damdamin at ideya.

Tinutulungan tayo ng Espiritu Santo na maging masaya kapag gumagawa tayo ng mabubuting pasiya.

Tinutulungan tayo ng Espiritu Santo na madama ang pagmamahal ng ating Ama sa Langit at ni Jesucristo. Tinutulungan Niya tayong malaman ang totoo.

Oras ng Aktibidad

Magagabayan ka ng Espiritu Santo na gumawa ng mabubuting pasiya. Tukuyin ang mabubuting pasiyang ginagawa ng mga batang ito.

PDF ng pahina na may isang aktibidad

Mga larawang-guhit ni Tracy Walker