“Tiwala sa Harapan ng Diyos,” Kaibigan, Mayo 2025, 02–03.
Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta
Tiwala sa Harapan ng Diyos
Hango sa “Tiwala sa Harapan ng Diyos,” Liahona, Mayo 2025, 127–29.
Kapag gumagawa at tumutupad tayo ng mga tipan sa Diyos, maaari tayong magkaroon ng kumpiyansa na ito ay mula sa Espiritu. Maaari tayong magtiwala na dinirinig tayo ng Ama sa Langit, na nauunawaan Niya ang ating mga pangangailangan nang higit kaysa sa pagkaunawa natin. Maaari tayong magtiwala na nais Niyang tulungan ang bawat isa sa atin na maabot ang ating pinakamataas na potensiyal. Ang pag-ibig sa kapwa-tao at kabanalan ang nagbubukas ng daan tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa harapan ng Diyos!
Ang tunay na pag-ibig sa lahat ng tao ang tanda ng mga tagapamayapa! Manalangin tayo sa Ama sa Langit na punuin ang ating puso ng pag-ibig sa kapwa.
Nagagawa ng kabanalan na mas mabuti at mas masaya ang lahat ng bagay! Kung mayroon kang masamang kaisipan, mapanlait na kaisipan, o malungkot na kaisipan, itataboy ng kabanalan ang mga kaisipang iyon.
Ang ating mga kaisipan, salita, at kilos ay kailangang puno ng kabanalan at puspos ng dalisay na pag-ibig ni Jesucristo tungo sa lahat ng tao. Inaanyayahan ko kayong lumago ang inyong tiwala sa harapan ng Panginoon.
Pag-aralan Ito
Gumuhit o isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong na ito tungkol sa mensahe ni Pangulong Nelson.
-
Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pag-ibig sa kapwa-tao?
-
Ano ang isang bagay na mabuti na maaari mong isipin kung ang isang masama, mapanlait, o malungkot na kaisipan ay pumasok sa iyong isipan?
Aling banal na kasulatan ang ginamit ni Pangulong Nelson sa pagtuturo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao at kabanalan? (Pahiwatig: Maaari mong gamitin ang iyong mga banal na kasulatan para hanapin ang mga ito!)
-
Mga Hebreo 11:1
-
Amos 3:7
Larawang-guhit ni Josh Talbot