2025
Aking mga Salita sa Ebanghelyo
Mayo 2025


“Aking mga Salita sa Ebanghelyo,” Kaibigan, Mayo 2025, 10.

Aking mga Salita sa Ebanghelyo

Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!

Kautusan

Mga tapyas na bato

Ang kautusan ay isang bagay na ipinagagawa sa atin ng Ama sa Langit dahil mahal Niya tayo. Ang mga kautusan ay mga tagubiling ibinibigay Niya sa atin upang maging masaya tayo at makabalik sa Kanya balang-araw. Pinagpapala tayo kapag sumusunod tayo sa Kanyang mga utos.

Mga Espirituwal na Kaloob

Batang babaeng nakatapat sa kanyang puso ang mga kamay

Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, binibigyan ng Ama sa Langit ang bawat isa sa atin ng mga espirituwal na kaloob para pagpalain ang iba. Hindi lahat ay magkakapareho ng mga kaloob, pero lahat ay may espirituwal na kaloob mula sa Diyos. Mababasa mo ang ilan sa mga kaloob na ito sa Doktrina at mga Tipan 46:11–26.

Patotoo

Ang patotoo ay ang pinaniniwalaan o alam mong totoo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Kanilang ebanghelyo.

Buhay na Walang Hanggan

Dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, maaari tayong magkaroon ng buhay na walang hanggan, na nangangahulugang mabubuhay tayo magpakailanman sa piling ng Ama sa Langit, ni Jesus, at ng ating pamilya.

Alt text

Mga larawang-guhit ni Madison Baker