2025
Iniligtas nina Mary at Caroline ang mga Banal na Kasulatan
Mayo 2025


“Iniligtas nina Mary at Caroline ang mga Banal na Kasulatan,” Kaibigan, Mayo 2025, 26–28.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Iniligtas nina Mary at Caroline ang mga Banal na Kasulatan

si Mary na binabasa ang Aklat ni Mormon

Si Mary Rollins ay 12 taong gulang nang una niyang malaman ang tungkol sa Aklat ni Mormon. Nanghiram siya ng isang kopya at halos buong magdamag na gising at nagbasa.

si Mary na nakasilip sa pinto ng print shop

Nasabik din si Mary sa isang bagong aklat na tinatawag na Aklat ng mga Kautusan. Naroon ang marami sa mga turong ibinigay ni Jesucristo kay Joseph Smith.

Armadong mga lalaking sinisira ang mga bintana ng isang gusali at ikinakalat ang mga pahina

Pero may mga taong ayaw sa Simbahan. Isang araw, pinasok ng mga tao ang gusali kung saan inililimbag ang Aklat ng mga Kautusan. Itinapon nila sa labas ng bintana ang pang-imprenta at ikinalat ang mga pahina sa kalsada.

nag-aalalang nakamasid sina Mary at Caroline mula sa likod ng isang bakod

Nagtago at nagmasid si Mary at ang nakababata niyang kapatid na si Caroline. Gustong isalba ni Mary ang mga pahina bago masira ang mga iyon. Natakot si Caroline, pero alam nila na nasa mga pahina ang salita ng Diyos.

tumatakbo sina Mary at Caroline papunta sa taniman ng mais na dala ang mga pahina

Tumakbo ang magkapatid sa kalsada at dinampot ang marami sa mga pahinang kaya nilang damputin. Nakita sila ng ilang lalaki at sinigawan silang tumigil. Mas hinigpitan nina Mary at Caroline ang paghawak sa mga pahina at tumakbo sa kalapit na taniman ng mais.

sina Mary at Caroline na nagtatago sa maisan

Hinabol sila ng dalawang lalaki. Dumapa sa lupa sina Mary at Caroline at dinaganan ng katawan nila ang mga pahina. Tahimik silang nakinig habang hinahanap sila ng mga lalaki.

nakikinig sina Mary at Caroline sa pangangaral ni Joseph Smith

Hindi nagtagal at sumuko na ang mga lalaki. Ligtas na sina Mary at Caroline! Nailigtas nila ang mga pahina. Ngayo’y nasa Doktrina at mga Tipan ang mga turong iyon.

PDF ng kuwento