2025
Mga Tala sa Kumperensya
Mayo 2025


“Mga Tala sa Kumperensya,” Kaibigan, Mayo 2025, 4–5.

Mga Tala sa Kumperensya

Dallin H. Oaks

Tulong mula sa Langit

Nagsalita si Pangulong Oaks tungkol sa mga bagay na ibinibigay sa atin ng Ama sa Langit para tulungan tayong piliin ang tama. Ang pinakamalakas na tulong sa atin ay ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Dahil sa Kanya, tayo ay mapapatawad at muling mabubuhay pagkatapos nating mamatay. Ibinibigay din sa atin ng Ama sa Langit ang mga kautusan, ordenansa at tipan, at ang Espiritu Santo para tulungan at gabayan tayo.

Magdrowing ng isang paraan kung paano ka tinutulungan ng Ama sa Langit!

Henry B. Eyring

Mas Malapit sa Tagapagligtas

Sinabi ni Pangulong Eyring na noong bata pa siya, ginaganap ang sacrament meeting sa gabi. Isang madilim at malamig na gabi, nakadama siya ng liwanag at init sa kapilya habang nakikibahagi siya ng sakramento. Nang kantahin nila ang mga salitang “Panginoon, manatili; masdan, gumagabi,” nadama niya ang pagmamahal at pagiging malapit ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Magdrowing ng isang paraan na maaari kang mapalapit kay Jesucristo.

Amy A. Wright

Maniwala, Mapabilang, Maging

Ibinahagi ni Sister Wright kung paano tayo magiging habambuhay na mga tagasunod ni Jesucristo. Maaari tayong maniwala sa Kanya sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Kanya at pagdama sa Espiritu Santo. Maaari tayong mapabilang kay Jesucristo at sa Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga tipan. At maaari tayong maging katulad Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang halimbawa.

Patrick Kearon

Isang Espesyal na Kaloob

Nagsalita si Elder Kearon tungkol sa pandaigdigang tradisyon ng pagbibigay ng mga regalo. Nagbibigay tayo ng mga regalo na ating ibinibigay at natatanggap. Kahit na ang mga penguin ay nagbibigay ng makikintab na bato sa isa’t isa bilang regalo! Ang isang mahalagang regalo mula sa Ama sa Langit ay ang pagkaalam na tayo ay tunay na Kanyang pinakamamahal na anak na babae at anak na lalaki. Kapag talagang natanggap natin ang kaloob na ito, malalaman natin kung sino tayo at kung gaano kalubos ang pagmamahal sa atin.

Benjamin M. Z. Tai

Isang Mabituin na Kalangitan

Minsan ay nagkamping si Elder Tai at ang kanyang pamilya sa ilalim ng mga bituin. Tinanong ng kanyang mga anak kung bakit hindi nila makita ang mga bituin sa kanilang lugar. Ipinaliwanag niya na dahil sa polusyon ay mahirap makita ang mga bituin. Ang mga panggagambala at tukso ay maaaring tumakip o magpalabo sa ating espirituwal na paningin. Ngunit sa pananampalataya, malalaman natin na laging naroon ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

PDF ng pahina

He Lives [Siya ay Buhay] na painting ni Simon Dewey, mga paglalarawan ni Josh Talbot

  • “Manatili sa ‘King Tabi,”Mga Himno, blg. 96.