“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Mayo 2025, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
Itinuturo sa atin ng propeta kung paano sundin si Jesucristo. Buklatin ang pahina para basahin ang itinuro niya sa pangkalahatang kumperensya.
Ginagabayan din tayo ng Espiritu Santo. Sa pahina 8, basahin kung paano nadama ni Marcie ang Espiritu Santo habang nagbibisikleta. Tinulungan ng Espiritu Santo si Nyamedo na gumawa ng magandang pasiya sa isang school trip (pahina 40). Kung makikinig kayo sa Espiritu Santo, madarama ninyo ang mga mensaheng nakaaaliw, gumagabay, at nagtuturo sa inyo.
Laging tandaan na may tulong kayo mula sa mga propeta, sa Espiritu Santo, at sa iba pang mga nagmamahal sa inyo!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
P.S. Magkuwento sa amin tungkol sa isang pagkakataon na nakinig kayo sa propeta o sumunod sa Espiritu Santo.