2025
Matuto mula sa Kumperensya
Mayo 2025


“Matuto mula sa Kumperensya” Kaibigan, Mayo 2025, 1.

Matuto mula sa Kumperensya

Pagtingin sa Templo

Sundan ang maze para makarating sa templo. Ano ang inaasam ninyo tungkol sa pagpunta sa templo balang-araw?

Pakikinig sa Kumperensya

Sa kumperensya ay nilalagyan namin ng pamilya ko ng label ang mga mangkok ng kendi gamit ang mga salitang tulad ng pananampalataya, templo, at panalangin. Kapag narinig namin ang isa sa mga salita, maaari kaming kumuha ng kendi mula sa mangkok nito. Ang mga salitang ito ay tumutulong sa akin na isipin si Jesus at makinig sa mga mensahe.

Jane C., edad 6, Quebec, Canada

Gustung-gusto ko ang pangkalahatang kumperensya dahil sa pamamagitan ng mga mensahe ay nadarama ko ang Espiritu Santo at marami pa akong natututuhan tungkol kay Jesucristo.

Tomas P., edad 8, Buenos Aires, Argentina

Lumapit kay Cristo

Itinuro ni Elder Gary E. Stevenson na ang simbolo ng Simbahan ay nagpapaalala sa atin na si Cristo ang sentro ng ating Simbahan at dapat ding maging sentro ng ating buhay.

Magdrowing ng isang linya na tutugma sa deskripsyon sa bawat bahagi ng simbolo.

  • Ang batong panulok ay ang pinakamahalagang bato sa pundasyon ng isang gusali. Ang pangalan ng Simbahan ay nasa loob ng batong panulok para ipaalala sa atin na si Jesucristo ang Punong Batong Panulok.

  • Ang nakaunat na mga bisig ng Tagapagligtas ay kumakatwan sa Kanyang pangako na tatanggapin ang lahat ng lumalapit sa Kanya.

  • Ang arko ng kinatatayuan ni Jesucristo ay kumakatawan sa paglabas Niya mula sa libingan, na nabuhay na muli. Siya ay buhay, at tayo ay sumusunod sa Kanya!

PDF ng pahina na may mga sipi at aktibidad

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot