“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Mayo 2025, 22–23.
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!
Abril 28–Mayo 4: Doktrina at mga Tipan 41–44
Red Light, Green Light
Itinuturo sa mga banal na kasulatan kung gaano kahalagang sundin ang mga utos ng Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42). Gawing lider ang isang tao at patayuin sa harap ng grupo. Kapag sinabi niyang “green light,” maaaring umabante ang lahat. Kapag sinabi niyang “red light,” kailangang tumigil ang lahat!
Mayo 5–11: Doktrina at mga Tipan 45
Ang Trumpeta ng Anghel
Hihipan ng isang anghel ang trumpeta kapag muling pumarito si Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 45:45). Gumawa ng sarili mong trumpetang papel! Bilugin ang isang piraso ng papel nang hugis-apa at iteyp ito sa gilid para magsara. Maaari ka ring magdagdag ng hawakan sa iyong trumpeta o mga bilog para sa mga pindutan. Pagkatapos ay magpraktis na magsalita sa iyong trumpeta at sabihin kung bakit mahal mo si Jesucristo.
Mayo 12–18: Doktrina at mga Tipan 46–48
Saro ng Kabaitan
Binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng mga espirituwal na kaloob. Ang ibig sabihin niyan ay binibiyayaan Niya tayo ng mga talento sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:11–33). Maghanap ng isang garapon o tasang walang laman. Sa mga piraso ng papel, isulat ang iba’t ibang talento o kaloob na maaaring mayroon ang isang tao. Maghalinhinan sa pagdukot mula sa garapon at pagtawag sa pangalan ng isang taong kilala mo na may gayong talento o kaloob!
Mayo 19–25: Doktrina at mga Tipan 49–50
Sundan ang Landas
Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay madalas tawaging walang-hanggang tipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 49:9, 12–14). Tinawag din ito ni Pangulong Nelson na landas ng tipan. Sa ilang piraso ng papel, isulat ang mga paraan na masusunod natin si Jesucristo. Gumawa ng isang landas gamit ang mga papel at maghalinhinan sa paglakad dito.
Mga larawang kuha ni Christina Smith