2025
Sumusunod sa Kanyang mga Yapak
Mayo 2025


“Sumusunod sa Kanyang mga Yapak,” Kaibigan, Mayo 2025, 17.

Isinulat Mo

Sumusunod sa Kanyang mga Yapak

Larawang-guhit ng matandang lalaking naglalakad sa niyebe habang may batang lalaki at batang babae sa likod niya na sumusunod sa mga bakas ng kanyang mga paa

Isang araw nag-sled ang pamilya ko kasama ang lolo’t lola ko. Naglakad kami papunta sa isang open area na natabunan ng ilang talampakan ng bagong bagsak na niyebe. Talagang mahirap lakaran iyon! Nahirapang maglakad si ate sa niyebe, kaya sabi ng lolo ko, “Sundan mo lang ang mga yapak ko.”

Nagsimula kaming magkapatid na sumunod sa kanyang mga yapak. Maya-maya pa ay ginusto ko nang subukang maglakad sandali nang mag-isa. Nang maglakad akong mag-isa sa niyebe, nahirapan ako talaga!

Mas madaling sundan ang mga yapak ng lolo ko dahil nalagpasan na niya ang mahirap na bahagi ng paglalakad sa niyebe. May patotoo ako na ginawa na ni Jesucristo ang pinakamahirap na bahagi. Kung susundan mo ang mga yapak ni Jesus, mas madadalian ka rin sa buhay.

Alt text

Larawang-guhit ni Abby Rummler