2025
Hello mula sa Malaysia!
Mayo 2025


“Hello mula sa Malaysia!” Kaibigan, Mayo 2025, 12–13.

Hello mula sa Malaysia!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang Malaysia ay isang bansa sa Southeast Asia. Mahigit 33 milyong tao ang naninirahan doon. Mahigit 130 wika ang sinasalita roon, kabilang na ang Malay at English.

Pinakamalaking Traffic Circle sa Mundo

Ang isang traffic circle sa Putrajaya, Malaysia, ay 2.1 milya (3.4 km) ang lapad. Ito ang pinakamalaking traffic circle sa mundo!

Napakatanda nang Rainforest

Ang Taman Negara ay isa sa mga pinakamatandang rainforest sa mundo. Hindi bababa sa 130 milyong taon na ito!

Dalawang Tore

Ang Petronas Towers ay dalawang skyscraper na 88 palapag ang taas. Sa kalagitnaan paakyat ay may isang tulay na lalakaran sa pagitan ng mga gusali.

Mga Katutubong Hayop

Maraming kakaibang hayop sa Malaysia! Ang ilang hayop ay ang mga sun bear, orangutan, at tapir.

Higanteng Kuweba

Ang Sarawak Chamber sa Malaysia ay napakalaki na maaaring magkasya rito ang walong jumbo jet nang sabay-sabay! Ang kuweba ay mga 2,300 talampakan (700 m) ang haba at 980 talampakan (300 m) ang lapad.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot