2025
Ang Mahiwagang Lata
Mayo 2025


“Ang Mahiwagang Lata,” Kaibigan, Mayo 2025, 18–20.

Ang Mahiwagang Lata

“Binabansagan ba natin nang ganyan ang mga tao?” tanong ni Itay.

Isang tunay na kuwento mula sa USA.

Batang lalaki at batang babaeng nakatingin sa isang napakalaking lata

“Ano po ito, Inay?” Kinuha ni Sadie ang isang malaking lata mula sa likod ng cupboard. “Wala pong label ito.”

“Nakalimutan ko ‘yan,” sabi ni Inay. “Natanggal na ang mga label ng ilang de-lata, kaya ibinebenta na ito ng tindahan nang mura. Bumili ako ng isa. Naisip ko na baka isang lata ito ng gisantes.”

Sumimangot si Sadie. Ang mga de-latang gisantes ay hindi niya paborito.

Dinampot ni Inay ang lata at ibinaligtad ito. “Masisira ang mga ito kaagad. Mas makabubuting kainin na natin ang mga ito ngayon.” Ipinatong niya ang lata sa mesa.

“Ano ‘yan?” tanong ng kuya ni Sadie na si Jason.

“Malay ko?” sabi ni Sadie. “Baka gisantes daw, sabi ni Inay.”

Inalog ni Jason ang lata. “Hindi tunog-gisantes ito. Palagay ko, beans.”

Nagbigay iyon ng ideya kay Sadie. Kumuha siya ng kaunting tape at marker at isinulat niya ang “peas” sa isang papel at “beans” sa isa pa. Ikinabit niya ang mga iyon sa lata.

Pagkatapos ay nag-isip siya sandali at isinulat niya ang “tomato sauce” sa isa pang papel.

Pagkatapos ay pumasok si Itay sa kusina. “Ano ang nangyayari?”

“Naglalaro po kami,” sabi ni Inay. “Hulaan mo kung ano ang laman ng lata.”

Thought bubble na may tatlong lata na may iba’t ibang label

Dinampot ni Itay ang lata, inalog ito nang malakas, at inamoy. “Kabute!” sabi niya.

Umangal ang lahat. “Huwag naman pong kabute!” sabi ni Sadie. Mas masahol pa ‘yon kaysa sa gisantes, beans, at tomato sauce. “Dapat siguro nating itapon na lang ang lata.”

“Ayaw ba ninyong malaman kung ano talaga ang laman nito?” tanong ni Inay.

Sinunggaban ni Itay ang abrelata. “Gusto ko!”

Nang buksan ni Itay ang lata, nagtakip ng kanyang mga mata si Sadie. Pero nang hugutin ni Itay ang takip, nagulat si Sadie. Puno ng masarap na prutas ang lata.

“Ang sarap!” sabi niya habang nakatingin sa putul-putol na peras, ubas, cherries, at peaches.

Latang nakataob at nakangiting batang babaeng may hawak na mangkok

Nagdala ng mga mangkok at kutsara si Jason. “Kain na tayo!”

Naglagay ng kaunting prutas sa kanyang mangkok si Sadie mula sa lata. “Hindi ako makapaniwala na mali tayong lahat,” sabi niya. “Sigurado akong may nakakasuka sa loob.”

“Ganyan ba ang pag-label natin sa mga tao?” tanong ni Inay.

“Ano po ang ibig n’yong sabihin?” tanong ni Sadie.

Inilapag ni Itay ang kanyang mangkok sa mesa. “Nagpapasya tayo kung ano ang nasa kalooban nila, samantalang ang nakikita lang natin ay ang labas.”

Pinag-isipan iyon ni Sadie. “Noong bago pa lang si Samara sa eskuwela, akala ko hindi siya palakaibigan. Pero nalaman ko na hindi lang siya masyadong marunong magsalita ng wika namin. Ngayo’y palagi na kaming naglalaro!”

Dalawang batang babaeng naglalaro ng bola

“Magandang halimbawa ’yan,” sabi ni Inay.

“Kung minsan po parang may label sila sa akin,” mahinang sabi ni Jason. “Sabi ng mga bata sa eskuwela, mataas lang daw ang grades ko dahil gusto ako ng teacher. Pero ang totoo, nagsisikap ako at ginagawa ko ang lahat ng homework ko.”

“Maaaring makasakit ang mga bansag, ‘di ba?” sabi ni Itay.

Tumango si Jason.

Natapos ni Sadie ang huling kagat niya ng prutas. “Pero masama po ba ang lahat ng label (bansag)? Sa tindahan kailangan mong malaman kung ano talaga ang binibili mo.”

“Tama ka,” sabi ni Itay. “Kung gayon kailan mabuti ang mga label?”

Itinaas ni Jason ang kutsara niya. “Kapag totoo ang mga iyon!”

“At sino ang nakakaalam kung ano ang tunay na nasa kalooban ng isang tao?” tanong ni Inay.

“Ang Ama sa Langit po,” sabay na sabi nina Sadie at Jason.

“Alam ko na!” sabi ni Sadie. “Ako ay anak ng Diyos. ’Yan ang tamang label para sa akin.”

“Sa akin din,” sabi ni Jason.

“At sa akin!” sabi ni Itay.

“Para sa Lahat” Ngumiti si Inay. “Kaya hindi natin dapat bigyan ng label ang mga tao batay sa nakikita natin sa labas, o maniwala sa mga maling label na ibinibigay sa atin. Dahil Diyos lang ang nakakaalam kung ano talaga ang nasa kalooban natin.”

May isinulat si Sadie sa bagong piraso ng tape at idinikit iyon sa sweater niya. “Anak ng Diyos,” sabi niya. Ngumiti si Kadie. Iyon ang pinakagusto niyang label sa lahat.

PDF ng kuwento

Mga larawang-guhit ni Róisín Hahessy