2025
Taglayin ang Pangalan ni Jesucristo
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Linggo ng Hapon

Taglayin ang Pangalan ni Jesucristo

Mga Sipi

alt text

Nigeria

I-download ang PDF

Maaari tayong makakita nang hindi bababa sa limang pagkakatulad sa proseso ng pagtaglay sa ating sarili ng pangalan ni Jesucristo. …

Ang unang pagkakatulad ay pagkilala. … Kapag tinataglay natin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo, iniuugnay natin ang ating pangalan sa Kanya. Kinikilala natin Siya. …

Ang isa pang pagkakatulad na malapit na nauugnay sa pagkilala—ang pag-alala. … Para sa atin, ang pakikibahagi sa sakramento kada linggo ay tumutulong sa atin na maalaala si Jesucristo sa buong linggo. …

… Kahit pa abala tayo sa ibang bagay, nananatili Siya sa ating isipan, tulad ng ating sariling pangalan na naaalala natin anuman ang ating pinagtutuunan ng pansin.

Ang pangatlong pagkakatulad ay resulta ng mga ginawa ng Tagapagligtas para sa atin—ang pagtulad. … Para sa atin, habang mas nakikilala at naaalala natin si Jesucristo, mas hinahangad natin na maging katulad Niya. …

Ang pagtulad kay Jesucristo ay naghahatid sa atin sa pang-apat na pagkakatulad—ang pag-ayon sa Kanyang mga layunin. Nakikiisa tayo sa Kanyang gawain. …

… Ang paggawa sa naunang apat na bagay na ito ang naghahatid sa atin sa panlimang pagkakatulad—ang pagkakaroon ng kapangyarihan. Natatamo natin ang kapangyarihan at mga pagpapala ng Diyos sa ating buhay. …

Kapag gumagawa tayo ng mga karagdagang tipan sa Diyos, mas ganap nating tinataglay sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo. … Dahil dito, higit pa tayong pinagpapala ng Diyos ng Kanyang kapangyarihan. …

… Lumapit sa ating Ama sa Langit. Taglayin sa inyong sarili ang pangalan ni Jesucristo. … Kayo ay magiging mga sakdal na tagapagmana sa kaharian ng ating Ama sa Langit, mga kasamang tagapagmana ng Kanyang Bugtong na Anak, na mahal nating Tagapagligtas at Manunubos.