Sesyon sa Linggo ng Hapon
Sila ang Kanilang Sariling mga Hukom
Mga Sipi
USA
Ang mismong layunin ng Paglikha at ng ating mortal na kalagayan ay upang mabigyan tayo ng oportunidad na kumilos at maging tulad ng hinihikayat sa atin ng Panginoon na kahinatnan natin. …
… Hindi tayo pinagkalooban ng kalayaang moral upang gawin ang anumang nais natin kailanman natin gustuhin. Bagkus, ayon sa plano ng Ama, nakatanggap tayo ng moral na kalayaan na hanapin ang at kumilos ayon sa walang-hanggang katotohanan. …
Binigyang-diin na ni Pangulong Dallin H. Oaks na inaanyayahan tayo ng ebanghelyo ni Jesucristo na kapwa magkaroon ng kaalaman at kahinatnan ang isang bagay sa pamamagitan ng matwid na paggamit ng kalayaang moral. …
[Magkagayunman] hindi tayo inililigtas at hindi tayo maililigtas ng ating mga gawa at hangarin lamang. “Sa kabila ng lahat ng ating magagawa,” nakikipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan lamang ng awa at biyayang matatamo sa pamamagitan ng walang-katapusan at walang-hanggang nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas. …
Maaaring asahan ng marami sa atin na ang pagharap natin sa hukuman ng Walang-Hanggang Hukom ay magiging katulad ng paglilitis sa isang hukuman sa mundo. Mamumuno ang isang hukom. Maglalatag ng ebidensiya. Magpapataw ng hatol. At malamang na mag-aalinlangan at matatakot tayo hanggang sa malaman natin ang huling kinalabasan. Pero naniniwala ako na hindi tama ang paglalarawang iyan. …
Ang takot sa Panginoon ay hindi isang nag-aatubiling pangamba tungkol sa pagpasok sa Kanyang presensiya upang mahatulan. Sa halip, ito ay ang posibilidad na tanggapin natin sa huli ang mga bagay tungkol sa ating sarili “kung ano talaga ang mga ito” at “ang kahihinatnan ng mga ito.” …
Kung gayon, sa huli, tayo ang huhusga sa ating sarili. Walang sinumang kailangang magsabi sa atin kung saan tayo pupunta. Sa presensiya ng Panginoon, kikilalanin natin ang pinili nating kahinatnan sa mortalidad at malalaman natin mismo kung saan tayo dapat mapunta sa kawalang-hanggan.