2025
Walang Uupo Nang Mag-isa
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Hapon

Walang Uupo Nang Mag-isa

Mga Sipi

alt text

South Africa

Estonia

I-download ang PDF

Sa talinghaga ng mabuting Samaritano, inaanyayahan tayo ni Jesus na lumapit sa isa’t isa at sa Kanya sa Kanyang bahay-panuluyan—sa Kanyang Simbahan. …

Kabilang sa diwa ng mga katagang “lugar sa bahay-panuluyan” ang “walang uupo nang mag-isa.” Kapag nagsimba kayo, kung makakakita kayo ng isang taong nag-iisa, maaari bang batiin at tabihan ninyo siya sa upuan? …

Ang “walang uupo nang mag-isa” ay nangangahulugan din na walang emosyonal o espirituwal na uupo nang mag-isa. Sinamahan ko minsan ang isang nagdadalamhating ama sa pagbisita sa kanyang anak na lalaki. Ilang taon bago iyon, sabik na sabik ang bata na maging isang bagong deacon. Para sa okasyon, ibinili siya ng kanyang pamilya ng kanyang unang pares ng bagong sapatos.

Pero sa simbahan, pinagtawanan siya at ang kanyang sapatos ng mga deacon. Bago ang sapatos niya, pero wala sa uso. Napahiya at nasaktan, sinabi ng batang deacon na hinding-hindi na siya magsisimbang muli. Nalulungkot pa rin ako para sa kanya at sa kanyang pamilya. …

Sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan, mas makabubuti sa ating lahat kapag walang nakaupong mag-isa. Huwag tayong basta magpaunlak o magparaya. Tunay tayong tumanggap, kumilala, maglingkod, magmahal. …

Maraming nakararamdam ngayon ng lumbay at pagkahiwalay. …

Maraming dahilan para madama natin na hindi tayo nababagay sa simbahan—na, ika nga, nakaupo tayong mag-isa. …

Sa Mosias 18:21 ay inaanyayahan tayo na sama-samang bigkisin ang ating mga puso sa pagmamahal. Inaanyayahan ko tayo na huwag gaanong mag-alala, manghusga, maging mapaghanap sa iba—at, kapag kailangan, huwag gaanong higpitan ang ating sarili. …

Ang pagiging kabilang sa tipan ay lumalalim kapag lumapit tayo sa isa’t isa at sa Panginoon sa Kanyang bahay-panuluyan. Pinagpapala tayong lahat ng Panginoon kapag walang nakaupo nang mag-isa.