2025
Si Jesucristo at ang Iyong Bagong Simula
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Gabi

Si Jesucristo at ang Iyong Bagong Simula

Mga Sipi

alt text

Japan

Conference Center, USA

Nigeria

I-download ang PDF

Si Jesus ay “naglilibot na gumagawa ng mabuti.” … Talaga namang hindi sapat ang pahayag na ito! …

Lahat ng Kanyang sinabi at ginawa ay nagbigay ng bagong simula para sa bawat isa sa Kanyang pinagaling, binasbasan, tinuruan, at pinalaya mula sa kasalanan. Hindi Niya sila iniwan, at tiyak na hindi Niya kayo iiwan. …

… Lahat tayo ay maaaring magkaroon ng bagong simula sa pamamagitan ni, at dahil kay, Jesucristo. Kahit ikaw. … Ito ang simbahan ng mga bagong simula! …

Ang pagsisisi ang nagbubukas ng pinto ng ating mga bagong simula, bagong buhay, at mga pangalawang pagkakataon. …

… Ang mga bagong umaga, bagong kabanata, at bagong pagkakataon ang pinakasentro ng magandang balita ng ebanghelyo!

… Ang kaaway lamang ang nakikinabang mula sa ideya na wala na kayong pag-asa. Maaari kayong matubos.

At ang mga bagong simula ay hindi lamang para sa ating mga kasalanan at pagkakamali. … Talagang kaya ninyong baguhin ang mga bagay sa inyong sarili na nagiging pabigat sa inyo sa loob ng maraming taon. …

Sa mga paulit-ulit na nahihirapan sa parehong kasalanan o problema, magpatuloy lang kayo. … At magtiwala sa bagong simula na nariyan para sa inyo tuwing babaling kayo sa inyong Ama nang taos-puso. …

… Mangyaring tanggapin ninyo ang inyong bagong simula ngayon, sa oras na ito mismo. Si Jesucristo ang Nagtatag at Nagpasakdal ng ating pananampalataya, na nagbibigay sa atin ng hindi mabilang na bagong simula. Siya ang Simula at ang Wakas—ang katapusan ng ating kahihiyan at pagdurusa, at ang simula ng bagong buhay sa Kanya, tinutulungan tayong iwanan ang nakaraan at muling magsimula sa isang bagong umaga ilang beses man natin kailanganin ito.