2025
Pambungad
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Umaga

Pambungad

Mga Sipi

alt text

Conference Center, USA

I-download ang PDF

Mahal kong mga kapatid, nagtitipon tayo habang nagdadalamhati sa pagkamatay ng ating pinakamamahal na si Pangulong Russell M. Nelson. Nagsasalita ako sa inyo bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawa, na posisyon kung saan ako sinang-ayunan na sa bawat ward, stake, at pangkalahatang kumperensiya natin—sa nakalipas na pito at kalahating taon.

Nagpapatuloy tayo sa ikalawang taunang pangkalahatang kumperensiya na ito, gaya ng nakaplano, na may mga tagapagsalita at musika na itinalaga ni Pangulong Nelson pagkatapos ng ilang buwan ng paghahanda. …

… Nauunawaan ni Pangulong Nelson ang kahalagahan ng pangkalahatang kumperensiya sa pagbibigay ng direksiyon sa mga Banal sa darating na mga buwan. Iginagalang namin siya sa pamamagitan ng pagsunod sa naiplanong iskedyul ng kumperensiya na inaprubahan niya. …

Ang maikli kong papugay—na akma sa kumperensiyang ito at sa mga papugay na ginawa na namin—ay ito: minahal ko si Russell M. Nelson at mas marami akong natutuhan tungkol sa ebanghelyo at pamumuno ayon sa ebanghelyo dahil sa matagal ko nang kaibigan at kasalamuha siya kaysa sa sinumang lider na personal kong kakilala. Siya ang ating modelo bilang lingkod at alagad ng Panginoong Jesucristo.