2025
Sinubok at Pinalakas kay Cristo
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Sinubok at Pinalakas kay Cristo

Mga Sipi

alt text

Peru

I-download ang PDF

Noon pa man, hangad ko nang matuto ng physics at mathematics sa kolehiyo. Nahirapan ako. … Nagsimula akong mag-isip na huminto na lang, na pumili ng isang bagay na mas madaling gawin.

Pakiramdam ko ay nanghina ako. Habang nagdarasal ako, nadama ko ang tahimik na pagtiyak ng Panginoon. Nadama kong sinabi Niya sa isipan ko, “Sinusubok kita, pero kasama mo rin Ako.” …

Nalaman ko na ang hirap na naranasan ko sa physics ay kaloob talaga mula sa Panginoon. Itinuro Niya sa akin na sa Kanyang tulong, magagawa ko ang mga bagay na tila imposible kung mananalig ako na nariyan Siya para tulungan ako. Sa pamamagitan ng kaloob na ito, ang Panginoon ay kumikilos para subukin at palakasin ako.

… Para masubok ang lakas ng kapirasong bakal, ito ay idadaan sa matindi pang pagsubok. … Ang bakal ay hindi humihina sa pagsubok dito. Ang totoo, ito ay nagiging isang bagay na mapagkakatiwalaan, na sapat ang lakas para makayanan ang mas matinding bigat. …

Kapag patuloy tayong nanampalataya kay Jesucristo—kahit na parang imposible sa atin ang mga bagay sa sandaling ito—lumalakas tayo sa espirituwal. …

Dahil sa Kanyang maluwalhating Pagbabayad-sala, mapapalakas tayo ni Jesucristo sa panahon ng pagsubok. …

… Maaari itong dumating nang tahimik, sa pamamagitan ng mga pagsubok sa buhay ng pamilya. Maaaring dumating ito sa pamamagitan ng sakit o pagkabigo o dalamhati o kalungkutan.

Pinatototohanan ko na ang mga sandaling ito ay hindi katibayan na pinabayaan kayo ng Panginoon. Sa halip, ito ay katibayan na mahal Niya kayo para dalisayin at palakasin. Pinapalakas Niya kayo para pasanin ang bigat ng buhay na walang hanggan.